Chapter 4- Plan # 1

11.2K 191 6
                                    

JEROME:

It's been two weeks, since then I've noticed na palagi nya kong sinusundan ng palihim. At kahit cute na sya, nagpapacute pa rin sya sa kin para lang mapansin ko. Kung alam lang nya, palagi ko syang sinusubaybayan at tinatanaw sa malayo. I can't keep my eyes off to her.

I thought that she's a player, but so far, wala akong nakikitang karelasyon nya in two weeks time. And while everybody is wooing her, heto sya at parang anino na sunud ng sunod sa kin. But until now, hindi ako bumibigay. As Darren said, she's a real princess, lahat ng bagay ay nakukuha nya ng walang effort. Ibinibigay Ito sa kanya ng kusa. That's why I have to teach her, lesson that she'll never forget. Kailangan nya kong mahalin hanggang sa mahulog ang loob nya sa kin.

" Hi, may nakaupo dito? ", it's her, may Tama talaga sya sa kin.

Umiling lang ako, I never utter any word.

" Pwedeng makishare? "

" Sure "

Yumuko akong muli para ipagpatuloy ang pagbabasa. Kasalukuyan akong nasa library at nag-aaral para sa recitation namin mamaya. Pero paano ka naman makakapag concentrate kung ang kaharap mo ay pagkaganda gandang babae na mortal enemy mo since birth.

" Ang kakapal ng libro nyo no, parang ang dami dami nyong binabasa everyday. Bilib na bilib talaga ko sa mga law students, dihamak kayong matatalino at masisipag kesa sa min. Imagine... "

" Excuse me, nag-aaral ka ba? ", sarcastic kong tanong sa kanya

" H-ha? Oo naman. "

" Then why do you keep on talking?

Dahan dahan akong tumayo para lumabas na ng library. Pero syempre binagalan ko lang ang paglalakad dahil inaasahan ko na susunod sya. Lumakad ako pakaliwa kung saan alam kong walang masyadong Tao.

" Jerome wait.. Sorry kung naistorbo ko ang pag-aaral mo. I didn't mean to do..."

" Hey, are you following me? "

" H-ha? "

" Isn't it enough na marami ng nagkakagusto sa iyo? Teka, alam ko na.. I am a challenge to you right? Gusto mo na pansinin Kita, at gusto mo na Isa ko sa mga lalaking naghahabol sa iyo? "

" Wa-what?!! "

" Kilala ko ang mga babaeng kagaya mo, Pagkatapos ano? Iiwan mo rin ako sa ere gaya ng ginagawa mo sa iba? "

PAK!!

" Wala kang karapatan na sabihin sa kin yan. Hindi mo ko kilala kaya sino ka para husgahan ako?! Arogante ka, mayabang ! Kung anong kinagwapo gwapo mo, syang kinapangit ng ugali mo! "

Umalis syang umiiyak, nasaktan ko sya ng husto. Much more, natapakan ko ang kanyang pagkatao. That was a big foul, nasobrahan yata ang acting ko. Sinampal nya ko pero hindi ko ininda yun. Pano pa kami magkakalapit kung tuluyan na syang nagalit sa kin. Pano ko pa magagawa ang plano namin kung hindi pa man ako nagsisimula ay palpak na. Ahhh.. careless move!

________________________________

" Ano! Ginawa mo yun? At kay Athena pa? Kaibigan na rin kita kahit papano, pero sa totoo lang gusto na kitang suntukin ngayon."

Inis na reaksyon ni Borge, kinwento ko sa kanya ang Mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Athena.

" Pare naman, kaya nga humihingi ako ng dispensa kasi alam ko mali yung ginawa ko. Nabigla lang talaga ko kahapon. Nawala kasi yung momentum ko sa pagbabasa. "

" Kahit na, mali pa rin ang ginawa mo. Palalampasin kita pero hindi kita sasaluhin pag ginulpi ka ng mga frat dito. Si Athena pa ang tinalo mo, eh prinsesa natin yun. "

" Kasalanan ko naman, wala akong magagawa pag kinuyog ako ng mga tao. Pero Borge, tulungan mo naman akong mag sorry sa kanya. Para kong bakla sa ginawa ko, gusto kong makabawi. "

" Ewan ko sa Iyo bahala ka sa buhay mo. Bakla ka nga ata eh. "

" Borge kaya nga kinwento ko sa iyo ang nangyari. Guilty na nga ako dun. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? "

" Okay sige tutulungan kita. Pero pag inulit mo pa to, ako na mismo ang magtatawag sa mga frat para gulpihin ka. At sinisiguro ko sa Iyo, dila mo lang walang latay pag nangyari yun. "

" Alam mo si Athena napakabait nun. At hindi sya nagtatanim ng galit sa kapwa."

" Yung ginawa ko ba sa kanya, tingin mo madali nyang mapapatawad? "

" I think so. Vulnerable yun eh. Minsan may pagka gullible din. Kaya nga ganon na lang sya kamahal ng mga Tao dito. "

It seems that everybody is protecting her, she's really a princess and the darling of the crowd. Kaya siguro walang mangahas na gumanti sa mga lalaking pinaglaruan at sinaktan nya dahil buong university ang makakalaban nila. Si Borge nga lang ay mukhang kayang magbuwis ng buhay just to fight for her. Tsk tsk tsk. Pero tignan ko lang kung kaya ka nilang protektahan pag naisagawa ko na ang paghihiganti ko. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa mga Plano ko.

" Salamat pre. Ahh, pwede ko bang kunin ang cell number nya at address ng bahay nila? "

" Pupuntahan mo sya? Hihingi ka ng tawad o aakyat ka ng ligaw? "

" Borge! "

" Joke lang. O Ito number nya. By the way magdala ka ng maraming imported na chocolates pag Punta mo dun. Believe me chocolates lang katapat ng babaeng yun, ganon sya kababaw. O pano, mauna na kong umuwi at aakyat ka pa ng ligaw. "

" Sira! "

Pinuntahan ko ang address na binigay ni Borge, medyo may kalayuan din pala sa school.

Malaki ang bahay nila at labas pa lang ay masasalamin mo na ang karangyaang bumabalot sa mga nakatira dito. Kung tutuusin ay napakalaki nito sa pamilyang binubuo ng tatlong Tao. Pero totoo nga yata ang sinasabi ng ilan na kapag masaya ang pamilya ay masaya rin ang bahay. Ito ang nararamdaman ko sa tahanan ng mga Romualdez. Gabi na pero maliwanag pa rin Ito, maaliwalas at kaaya ayang tignan. Nakadama ako bigla ng lungkot. Buong buhay ko ay hindi ko naramdamang masaya ang kinagisnan kong pamilya. Sa loob ng mahigit dalawampung taon ay pinilit kong maging normal ang aming buhay pero nabigo ako. At hanggang ngayon ay inaatake pa rin ng depression ang aking Ina buhat sa kanyang kahapon. Kahit kailan ay wala akong nakitang ngiti mula sa kanyang mga labi dahil alipin pa rin sya ng mapait nyang nakaraan. Dahil dito ay hindi rin mabuo ang aking pagkatao, lagi na lang may kulang.

Sa gitna ng lungkot ay sumidhi ang galit na nararamdaman ko. Nasa labas nga pala ko ng bahay ng mga taong naging dahilan kung bakit miserable ngayon ang buhay ni mama. Hindi kayo dapat maging masaya, napakadaya lang ng tadhana. Humanda ka na Athena, ilalabas ko na ang pangalawa kong alas laban sa iyo.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now