Chapter 39- Total goodbyes..

10.2K 165 2
                                    

Athena:

" Athena! Salamat at dumating ka "

Tinawagan ako ni Dindi, magkita raw kami dahil may mahalaga syang sasabihin. Bineso nya ko..okay lang naman, pero hindi ako gumanti. Civil lang ang response ko.

" Have a seat. Anong gusto mo? Order ka na, my treat. "

" Salamat, busog kasi ako. Any juice na lang, okay na ko dun. Din..anong pag uusapan natin? ", patay malisya kong tanong. But more or less, alam ko na.

" Athena..hindi na ko magpapaliguy ligoy pa. Nakipagbreak sa kin si Jerome. Na-nagkabalikan na pala kayo. "

Nagsisimula pa lang umiiyak na sya. Iyakin din pala tong isang ito, kaya pala dito kami pumwesto sa dulo at sulok na ata ng restaurant na hindi masyadong matao. Hindi ako umiimik. What should I say? Alam ko naman na nakipagbreak sa kanya si Jerome.

" Athena.. bakit? Ikakasal na kayo ni Mark hindi ba? At alam mo rin na kami ni Jerome. Pero bakit ginawa nyo sa min to? Masaya na tayong lahat, tahimik na tayo..pero anong ginawa nyo? ", mahina lang ang boses nya, pero puno ito ng hinanakit at panunumbat.

" Dindi..Im sorry. I'm really sorry", umiiyak na rin ako. Awang awa ako sa kanya..at alam ko ang pakiramdam ng isang iniwanan. Inuusig ako ng kunsensya ko dahil may mga taong nagdurusa at umiiyak ng dahil sa kin. Pero hindi ko pwedeng igive up si Jerome..baka ikamatay ko na!

" Alam kong mahal mo sya. Pero nakikiusap ako sa iyo..huwag nyo ng ituloy ang relasyon nyo Athena. May mga tao kayong tinatapakan at may mga buhay kayong sinisira. Lalo na ngayon...buntis ako Athena",

Nagimbal ako sa sinabi nya, alam ko..nakita nya yun. Nakakagulat naman talaga ang hatid nyang balita. Huminga muna ko ng malalim bago muling nagsalita.

" I-I'm sorry Dindi. Hindi ko ipagkakait sa inyo ng anak mo si Jerome. This time, hayaan mong sya ang magdecide "

" No Athena. You don't understand.. Jerome loves you so much! He's willing to give up everything..he can even trade his soul just to have you! Walang ibang mahalaga ngayon kay Jerome kundi ikaw Athena! At magagawa nyang talikuran ang anak ko para sa iyo. "

" Din..kaya mo ba ko pinapunta rito para hilingin sa kin na iwanan ko si Jerome? Sorry Dindi..pero hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo "

" Hahayaan mo ba ang anak namin ni Jerome na maging bastardo? Maawa ka naman Athena..wag na sa kin..sa anak ko na lang! "

" I'll make it a point na susustentuhan ni Jerome ang anak nyo. Hindi ko aalisin ang karapatan nya bilang ama ng bata. "

" Ganyan ka ba talaga?! Bata ka pa at napakaganda mo. Marami ka pang makikilalang mas higit sa kanya. Nabuhay ka nga ng mahigit limang taon ng hindi mo sya kasama. Maghiwalay na kayo habang maaga pa. Hindi lang financial support ang pinag uusapan dito! Please... kailangan sya ng anak ko ", mixed emotions na sya. Nagsusumamo..pero ramdam ko ang kinikimkim nyang galit sa kin.

" Alam ko yun. Pero sana alam mo rin na hindi mo dapat pinipilit ang isang taong wala ng pagmamahal sa iyo! At wag mong itatali si Jerome sa isang relasyon na bata na lang ang nag uugnay! ", galit na rin ako.

" Mahal ko si Jerome, mahal nya rin ako. Pasensya na Dindi..pero sa tingin ko, sya dapat ang kinakausap mo at hindi ako. Let him decide! Kung anong gagawin nya..kung anong gusto nya..igagalang ko yun. And I hope.. ganon ka rin sana. Excuse me, kailangan ko ng umalis, may meeting pa ko today. I hope you don't mind "

Tumayo na ko. Pero bago ko sya talikuran, kailangan ko ring sabihin sa kanya ang isang bagay na alam kong parang bomba na pasasabugin ko sa harap nya.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now