Chapter 40- Final chapter

12.4K 217 9
                                    

Jerome:

" Je-Jerome..anong nangyari sa iyo. Sinong may gawa nito? ", tanong sa kin ni Athena. Napakalaki kasi ng black eye ko at may mga pasa ako sa katawan. Naglinis naman ako ng katawan at muling nagbihis matapos ang rambulan namin ni Mike, pero syempre..ang mga ito ay hindi maitatago. Kitang kita pa naman.

" Wala, nadapa lang ako ", pagbibiro ko

" Nadapa ka dyan. Sa loob ng kotse? Halika nga gamutin ko. ", hila hila nya ko. Parang bata lang ako na naging sunud sunuran sa kanya, ng may bigla akong naalala.

" Wait..nasa loob ang parents mo di ba?", kinabahan ako. After five years, ngayon na lang uli kami magkakaharap. Daig pa nito ang isang mabigat na kaso na kailangan kong depensahan. The verdict.. Guilty beyond reasonable doubt!!

" Oo. Alam nila na pupunta ka..with less black eye. Since nandyan na yan, Tara na sa loob "

" Are you sure hindi to dadagdagan ng daddy mo pag nakita nya ko? "

" Jerome..napag usapan na natin to. Kelan mo sila balak harapin? Halika na..para once and for all malaman na natin ang desisyon nila "

" Desisyon nila? What?? You mean pag hindi sila pabor sa kin iiwan mo rin ako?!"

" Well..it depends.."

" It depends?! On what circumstances?! "

" Depende kung pano mo sasagutin ang mga tanong nila. "

" Ano??! Athena naman..."

" Lawyer ka hindi ba? "

" I am..but it doesn't make any sense! "

" Nagrereklamo ka?", nakataas na ang kilay nya, mukhang inis na. Wala akong nagawa, napilitan na kong pumasok sa loob.

" Good..good evening sir ", bati ko sa daddy nya na nakasalubong agad ang kilay. Haayy..masahol pa sa korte ang senaryo namin ngayon. Kailangan hindi ako magkamali ng kilos at pagsagot, kung hindi..relasyon namin ni Athena ang nakataya.

" Have a seat. Totoo pala ang sinabi ng anak ko, nagkabalikan na kayo. "

" Yes sir.."

" But why? "

Why? Ang broad naman ng tanong nya. Alin dun ang why? Isa kaya to sa mga 'depende' ni Athena?

" I really love your daughter "

" Love? Do you know the meaning of love? Pero iniwan mo sya..pinaglaruan mo noon. Anong assurance namin na hindi mo na sya niloloko ngayon? "

" Noon..past tense. At hindi ko sya iniwan ng matagal..I came back for her when I realized that I love her. Hinanap ko sya ng matagal..pero pinagkait nyo sya sa kin ", malumanay ang sagot ko. Ayokong isipin nila na nanunumbat ako.

" Hindi mo kami masisisi Jerome. Yun ang pinakamabuti sa mga oras na yun "

" Sir.. I love her. That's why I'm here..to ask for a second chance. Please.. gusto kong hinging muli ang kamay nya. Pakakasalan ko ang anak nyo, this time..for real ", pagsusumamo ko.

Napamulagat silang lahat. Nanlaki ang mga mata ni Athena..nagtatanong ito at naghahanap ng katotohanan sa mga sinasabi ko.

I tell them the truth. No more lies..no more hiding.. Whatever the outcome of this conversation, tatanggapin ko. At least naging honest ako. Minsan ko na silang niloko, minsan ko na silang pinaikot, limang taon ko ng pinagsisihan yun..ayoko ng maulit pa. At ang mahirap sa pagsisinungaling, nanganganak ito ng napakaraming kasinungalingan. Kaya kahit maliit na bagay, mabuti ng sabihin ang totoo.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now