Prologue to The Heartthrob Agent

12.2K 180 16
                                    

Spoiler sa love story ni Liza at Darren hahaha. Anyway, published na ang  "The Heartthrob Agent ", sana suportahan nyo rin ang love team na naging daan para magkabalikang muli sina Jerome at Athena:-)

-------------------------------------------------------

" Babe..wag kang magalit ha. Matagal ko na tong gustong itanong sa iyo kaso nakakalimutan ko lang. Although wala naman na sa kin kung ano pang reason mo.. at least gusto ko lang malaman"

" Hah? Ang alin? ", kunot noong tanong ni Jerome sa asawa. Nagbebreakfast sila ng time na yun.

" Nung kinidnap kami dati ni Mr. Dominguez, bakit..bakit si Dindi ang nirescue mo..hindi ako? Again, plain question...."

" You got the wrong message babe", putol nya sa kasunod na sasabihin ni Athena.

" Wrong message? "

" Nung malaman ko na kinidnap kayo ni Din, na rattle ako. During that time, hindi ko na alam halos ang gagawin ko, thinking na nasa panganib ka. Pinakiusapan ko si Darren na sya ang magrescue sa iyo . Dahil mas kampante ako na mas kaya nyang iligtas. Kaya kong gawin siguro yun sa iba..like kay Dindi...but not to you Athena. Hindi ko alam ang magiging response ko sa situation pag nakita kita, masisira ang diskarte ko. Baka lalo ka lang mapahamak. Kaya si Darren na ang gumawa nun. "

" Pero anong assurance mo na maililigtas ako ni Darren? "

" Hindi mo pa talaga alam? Well..si Darren ay isa sa pinakamagaling na secret agent dito sa Pilipinas. Hindi ko rin sya ipapain para sa huli sya naman ang madisgrasya. Ayokong mabalo ng maaga si Liza at mawalan ng ama ang mga pamangkin ko. You see Athena, mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang mapahamak ka. Hindi ko kayang makita na may masamang mangyari sa iyo dahil sa kapabayaan ko. But with him..Im sure that you're in good hands ng mga oras na yun. Hindi pa sya pumalpak babe..ganon kagaling ang kaibigan ko"

Kinilig sya sa sinabi ni Jerome, hindi nya naiwasang dampian ito ng halik. Masaya nitong tinanggap ang ginawa nya at buong pagsuyo rin syang hinalikan.

" Huwag mo kong simulan babe..baka di mo matapos ang breakfast"

Kinurot nya ito sa tagiliran.

" Aray!! "

" Ang aga aga naman kasi ganyan ka. Baka magalit sa iyo si baby."

Maingat nitong hinimas ang tyan nya. Confirm na kasing buntis ang asawa ng two months.

" Baby..wag kang magalit ha. Love na love lang ni daddy si mommy. Sana paglabas mo, kamukha mo sya para maganda ka "

" Pag lalaki sana kamukha mo Jerome, gwapo ka eh. Pero babe..Im happy. Akala ko kasi sya ang pinili mo noon. In fairness, ang galing talaga ng best friend mo. Pano mo sya nakilala, matagal na kayong magkaibigan di ba? "

" Si Darren?.. Well, magkaibigan na kami since High School. First year ako and Fourth year sya sa Edison ng magkakilala kami. "

" Wow! Teenagers pa lang pala kayo magkakilala na kayo? Taga CDO rin pala sya "

" Yup. Alam mo bang idol ko yun si Darren. When we were in high school, lahat ata ng babae sa school kahit mga seniors namin, may gusto sa kanya. "

" Talaga?? Hindi ba sa iyo? "

" Totoy pa ko nun and during that time, I am nothing compared to him. Lahat kaya nyang gawin! Believe it or not, he's above genius and talented. Walang bagay ang hindi nya kakayanin. Magaling syang kumanta, lahat ng musical instruments alam nyang gamitin. Martial arts expert, black belter kaya yun. He's also the editor in chief ng school newspaper, commandant ng COCC. And ang star player ng basketball sa varsity namin, kung saan kami naging magkateam mate. Imagine, sa dami ng extra curricular activities nya at di sya nakakapag aral, nagawa nya pa ring maging school valedictorian. Meron kasi syang photographic at audio visual memory. Isang beses nya lang makita, hindi nya na makakalimutan. Kaya pag binasa nya once o kahit marinig lang, matatandaan na nya ito at mareretain sa memory nya for good "

" Sya na..lahat sinakop ha. Mula literature, music, sports and academic..excellent. Meron palang ganon! Buti hindi sya naging abnormal! "

Natawa si Jerome sa last comment nya.

" Pag genius at talented abnormal dapat? Sobra ka naman! "

" Mostly kasi ganon yung naririnig ko eh "

" Pinalaki kasi syang normal. As early as two years old, nadiscover na nilang above average ang kakayahan ni Darren. He has exceptional ability. Kinuwento ng mommy nya na at age two, kinaya nyang sagutan ang mga materials ng kinder. Kung tutuusin, kaya nyang tapusin ang elementary at the age of eight. Pero hindi inallow ng parents nya baka nga kasi maging abnormal. Kaya kahit ilang beses pa syang makapasa sa accelerated exams, dinaan pa rin nila sa process "

" Well that explains kung bakit hindi sya retarded ngayon. At least naisip yun ng parents nya. Yung iba kasi pag nalaman na gifted child ang bata, pinupush na. Sa umpisa parang okay, pero habang lumalaki, nagkakaron sya ng emotional or psychological disorder "

" Pero ganon pa man, nagawa pa rin nyang tapusin ang college at age eighteen ng summa cum laude. Topnotch din sa bar exam. He started his career as an agent as early as nineteen "

" Malaki nga ang impluwensya nya sa iyo. I presume kaya ka naglaw dahil sa kanya. Yun lang...pati siguro pagiging... ", napahinto syang bigla. Baka maoffend ito sa kanya.

" Pati ano...tuloy mo ", hamon nito

" Pati ang pagiging playboy "

" Ah yun..hindi, nagkataon lang. Naghiwalay na kami ng college, sa Reinhard na sya nag aral. Part lang siguro ng pagiging binata namin yung time na yun. Lahat naman ata ng lalaki dumaan dun. But we're a better men now. "

"I know babe. Pero buti hindi kayo nag away dahil sa babae? ", malambing syang kumandong paharap dito.

"Siguro kasi magkalayo kami ng school, at magkaiba kami ng era. And besides, napakaraming babae ang naghahabol sa min para lang pag awayan ang isang babae. Pero may dalawang babae talaga ang nag uugnay sa min simula noon hanggang ngayon. "

" Si-sino?.. "

" Yun yung mga babaeng sabi nga ng kaibigan ko eh minamahal..inaalagaan..at iniingatan... Si Liza kay Darren..at para sa kin... ikaw.."

Tinititigan na naman sya ni Jerome. Hanggang sa gawaran sya nito ng mumunti at malambing na mga halik sa kanyang labi.

Haayy..bakit ba nag eenjoy sya everytime na ginagawa yun ni Jerome. Araw araw na silang magkasama pero kinikilig pa rin sya sa mga gesture ng asawa. At ang bawat yakap at halik nito sa kanya ay lagi pa ring nakakapagpalunod sa kanya..nakakapanghina. At bago pa kung saan mapunta ang mga halik ng asawa ay kumawala na sya sa mga bisig at labi nito.

" Babe, maaga pa. Ireserve mo yang lakas mo mamaya", pilyang sabi nya rito

" Bakit mamaya pa? Di ba pwedeng ngayon? Are you playing with me?", di makapaniwalang tanong nito

" Naughty boy! Paano nga pala nagkakilala si Jerome at Liza? Pano naging sila? "

" Alam mo kanina ko pa napapansin na parang interested ka sa buhay ni Darren"

" Wag kang magselos babe. Kahit sya pa ang pinakamatalino at pinakatalentadong lalaki sa mundo..my heart, my mind, and my body will always belongs to you. But I think..pinaglilihian ko sya "

" What??!! "

Pinuputol ko na ang chapter na ito. Actually, Prologue lang ito sa magiging story nila Liza at Darren na syang magiging bida sa mga character ng the " Heartthrob Agent ". Bale ang RVR ang magiging Book 2 nila kung nagkataon. Pero syempre kayong reader ng RVR, alam nyo na ang kinahinatnan ng love story nila. Just in case you 'd like to know them more at kung paano sila nagsimula, might as well read the heartthrob agent.

My other stories
" Three Days Two Nights"
"Marrying The Rude Guy"

*** PLEASE COMMENTS, VOTES, & SHARE THIS STORY!! ***

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now