Chapter 35- Long time no see

9.1K 167 6
                                    

Tugs tugs tugs tugs

Maingay sa loob ng bar kung saan sila ngayon naroroon. But she doesn't care at all. She's wild..she's free, while inside the dance floor. All she wanted to do is to dance, para syang ibong nakawala sa hawla. Walang pumipigil sa mga bagay na nais nyang gawin, walang humahabol, at walang pinagtataguan. Walang stress, walang kasong iniisip. Higit sa lahat wala na syang hinihintay... at wala ng inaasahan.

Bakit, sino pa ba ang hinihintay nya? Ano ang inaasahan?... Wala!..Wala na!

Sa kaisipang yun, mas lalo syang sumayaw. Mas mataas ang energy. Bakit ba sya magmumukmok? Tuluy tuloy lang dapat ang buhay! After all, she's young, and beautiful, and hot! Hindi ko kawalan!, sa isip isip nya.

" Athena! Walang pagod ah! ", lapit ni Gene. It's true, kanina pa kasi sya sumasayaw at tila walang kapaguran.

" Come on Gene, let's dance! Ayaw mo na? "

" Pagod na ata sya. Ako type mong kapartner? ", tawag ng isang lalaki mula sa likuran.

" Darren!! "

" Sabi na ikaw yung nakita ko. Malayo pa kami ramdam ko na energy mo eh "

" Ganon ba? So meaning, you're with somebody? "

" H- hi... Athena, how are you? ", nahihiyang bati sa kanya ni Liza.

" Liza, you're here!! "

" A- Athena. ", niyakap sya nito ng mahigpit. Gumanti sya ng yakap dito.

" I'm sorry ", malungkot nitong sabi matapos nilang magyakap

" Sorry...for what? For what happened in the past? Tapos na yun. And besides, wala ka namang kinalaman dun. Kumusta ka na?! You're still beautiful, parang dalaga ka pa rin "

" Thank you. Darren was right, you look like a goddess. I'm happy, hindi ka galit sa min. And I'm really glad that you have a blissful life ", ngumiti ito sa kanya.

Blissful? Kunsabagay, masaya naman ang buhay nya sa kabuuan. Except na lang sa love life.

Maganda si Liza. Masaya sya na nagkita silang muli. Kahit papano, naging close naman sila dati sa sandaling panahon. But at the same time, nakaramdam sya ng lungkot. May naaalala kasi sya tuwing nakikita nya ito. Si Jerome! Kung bakit naman kasi parang babaeng version ng binata ang mukha ng babaeng pinsan nya. Kumusta na kaya yun? Two weeks na rin silang di nagkikita..at aaminin nya, namimiss na nya ito.

" You're pregnant?, medyo umbok na kasi ang tyan nito.

" Yes, Four months. That's why I can't dance. Gusto ko lang ng ibang ambiance, I'm bored! "

" Of course you can sweetheart. Dance with me, Come on! ", yaya ni Darren sa asawa , and the sweet music started to play.

Malamang nirequest na yun ni Darren kanina. Para maka score sa asawa.

" Athena, excuse us. Isasayaw ko lang ang maganda kong prinsesa. ", at hinawakan na nito ang kamay ni Liza.

Ang sweet naman ni Darren. Kahit may anak na sila at matagal ng mag asawa, parang girlfriend pa rin kung ituring si Liza. Hindi nya kinaya ang sumunod na eksena. He is kissing his wife while dancing. He's kissing her as if nobody's around them.

Buti naman sensitive si Gene. Kinabig sya nito at isinayaw din. Natawa sya sa gesture na ginawa ng kaibigan.

" Gene! "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now