Chapter 23- Death Threats

10.4K 153 7
                                    

ATHENA:

"What's with the sad face huh?"

Dumeretso ko sa unit ni Mark after the incident. Napakatransparent ko pala, very obvious na nakasimangot ako at malungkot.

" Wala. I'm just tired honey, pressure and stress sa work ", I tried to smile para ma at peace sya.

" I told you.. hindi mo na dapat inaaccept ang kaso. "

He gave me a tight hug and kissed me. I'm too lucky to have him. He's my friend and my lover. I met him five months ago ng umalis ako ng Pilipinas. He's just in time dahil yun ang panahon na naging independent ako sa parents ko. Ang time na dinesisyunan ko ng magpatuloy at ibaon na sa limot ang lahat ng nangyari. Hindi madali ang naging karanasan ko. I was humiliated and abandoned by the man that I've loved. Ilang buwan akong parang patay. Nahirapan ang pamilya ko at mga kaibigan na ibalik ako sa dati. Dinala pa nila ko sa isang Psychiatrist para ibalik sa normal ang buhay ko. Tapos na kasi ang tinatawag na grieving period pero nakikita nila na halos hindi ako nakakarecover. But thanks to them.. the nightmare was over. Ang pag ibig ng pamilya ko..ng mga kaibigan..at ni Mark, ang pumuno sa kin. Dahilan para maka move on ako.

He was in a business trip ng magkita kami. Sya ang tumulong sa kin na makapag umpisa at makapagtrabaho ng maayos sa US. Matagal kaming naging magkaibigan bago nya ko ligawan. Hinintay nya na tuluyang gumaling ang mga sugat ko mula sa nakaraan. Long distance ang love affair namin since ang business nya ay narito sa Pilipinas. Buti na lang napakayaman nya kaya nagagawa nya kong puntahan sa US every other month para magkasama kami ng two weeks. Three years na kami ngayon at six months from now ay ikakasal na.

" I love you hon. At ayokong nakikita na malungkot ka. "

Kinikilig ako. Matagal na kaming mag boyfriend but he never fails na sabihin at iparamdam sa kin na mahal nya ko. He knows everything about me, he knows my past pero buong buo nya kong tinanggap.

May isang bagay lang na hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi nya pa alam na ang lalaking kasama ko ngayon sa kaso ay ang lalaking naging dahilan ng pagkasira ko dati. Sasabihin ko rin naman..kumukuha lang ako ng tamang tyempo dahil alam kong magagalit sya at sasama ang loob nya pag nalaman ang totoo. Baka tuluyan nya kong pagbitiwin sa kaso.

" I love you too hon. Thanks for always being here "

And he kiss me once again. This time, mas nakakakilig..mas nakakalunod. I heard him moaned as I responded to his kisses. Mas mapangahas ang naging sumunod na mga hakbang nya.

" Athena.. I can't wait to be your husband. I want you honey.."

Halos pabulong ang pagkakasabi nya pero kinilabutan akong bigla.. Dahilan para matigilan ako sa pagtugon sa kanyang kapusukan. Natigilan din sya. Nahalata nya rin ata na natakot ako sa maaaring mangyari sa min ngayon. I love him, but I am not ready to do it again kahit pa sabihing ikakasal na kami.

" I-I'm sorry.. ", sabi nya at nakuntento na lang sya na halikan ang noo ko.

I was puzzled. Hindi ko alam kung dala pa rin ng trauma kung bakit hindi ko inaallow na may mangyari sa min ni Mark. And another thing, bakit mas masarap sa pakiramdam ang paglalapat ng mga labi namin ni Jerome kanina..kahit pa sabihing aksidente lang ang nangyari at marahas pa nyang ginawa.

Para makabawi, ako naman ang unang humalik kay Mark. Ngumiti sya knowing na hindi ako nagalit sa sinabi nya kanina. Haayy..nasisiraan na ata ako ng bait. I stopped ng magvibrate ang phone ko, someone texted me. Halos mabitawan ko ang phone dahil sa mensahe..

" Wag kang makialam sa negosyo ng Gemini... Or you might want them to see your dead body on Pasig River next week! "

It was a dead threat, umiikot na naman ang mga traydor sa kumpanya ng mga Dominguez

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now