Chapter 17- Torn between two choices

9.7K 229 12
                                    

" O pare, here's your prize", inabot sa kin ni Darren ang check na worth fifty thousand.

" Para saan to? "

" Sa pustahan, nanalo ka di ba? "

" Forget about it. Ang dami mo namang naitulong sa kin. Abonado ka pa nga kung tutuusin"

" Talaga, di mo na ko sisingilin? "

" Bakit, ayaw mo ba? "

" Gusto. Punitin ko na to, baka mag iba pa isip mo. So, handa ka na bang maging groom? "

" Nang aasar ka ba? "

" Hindi. Seryoso ko no. Eh talaga namang ikakasal ka na, at ikaw ang nagsuggest nun sa pamilya ni Athena"

Natigilan ako. Kapag naaalala ko ang mga plano ko laban sa pamilya ni Athena ay nagiging tuliro ako. Halos three weeks lang kaming tinikis ng daddy ni Athena, pero ngayong grumaduate na ang kanilang Unica iha, pinatawad nya na kaming dalawa. And to my surprise, he challenged me na ituloy ko ang plano ko... ang pakasalan si Athena.

" O, bat natahimik ka dyan? "

" Ewan ko. Hindi ko alam Darren kung bakit ganito ang nararamdaman ko "

" Na ano? "

" Parang nakukunsensya na ko "

" Hahahahaha, hindi yan kunsensya pare, pag ibig yan "

" You're jumping into conclusion again. I'm just being guilty "

" Jerome, may almost three months ka pa para magdecide. Sa June ka pa naman ikakasal. Kung naguguilty ka, mag back out ka na ngayon pa lang. Para hindi mo na sya masaktan "

" Pero pano? I don't have a choice, kasubuan na to. "

" Anong walang choice, ano ka patay? Right now you have two options. Either to pursue your plan.. or magback out ka na ngayon pa lang. Unless gusto mo talaga syang pakasalan, which now becomes your third option"

" That third opinion will never be an option to me. Kahit hindi sya si Athena, marriage has never been a part of my plans. But in either way, masasaktan at masasaktan ko pa rin sya"

" Pero kapag nagback out ka ngayon pa lang, masasaktan sya oo, pero hindi ganon kalalim. In time, mapapatawad ka nya at mabilis syang makakarecover. Pero kapag tinuloy mo ang plano mo, she will not forget you until she dies. "

" Right now, I'm trapped between my mother and my conscience"

" Correction.. between your mother and your heart! Kelan ka pa nakunsensya? Daang babae na ang pinaiyak mo pare, yung iba nga muntik pang magsuicide. Pero ano, naapektuhan ka ba? Hindi! For god's sake Jerome, hindi ka na bata. For once.. suwayin mo naman ang nanay mo "

" Madali sa iyong sabihin yan dahil wala ka sa sitwasyon ko. Ginawa ko na ang lahat Darren, naging mabuti akong anak. Pero ni minsan hindi ako pinahalagahan bilang anak, at alam mo yan. At ang mga Romualdez... sila ang dahilan kung bakit nagpasya si mama na buhayin ako. Gusto kong maranasan kung paanong mahalin ng isang Ina. At baka pagkatapos ng lahat ng ito, maging maayos na kami. "

" At kalilimutan mo na lang si Athena. Babalik ka sa normal mong buhay gaya dati. Magbibilang ng babae... magpapakadalubhasa... magpapayaman. And you will live happily ever after, you and your mom. Yun ba, ganon ba ang plano mo Jerome? "

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bawat salitang binibitawan ni Darren ay tila mga batong pinupukol sa ulo ko.

" Minsan nagsisisi ako na naging accessory to the crime nyo kong mag Ina. Sana hindi na lang kita tinulungan sa mga kalokohan nyo. Sana lang wag akong makarma. Isa na lang ang masasabi ko... three months Jerome, matagal na panahon para gawin mo kung ano ang tama. "

" Darren ikaw ba talaga yan? Ibang iba ka na eh. Ganyan ba talaga nagagawa ng pag ibig? "

" Maiintindihan mo ko pag nandito ka sa ganitong sitwasyon, na hindi malayong mangyari. Napakaswerte mo, imagine, nahulog sa iyo si Athena. Ano bang meron ka bakit hindi ka nahihindian ng mga babae? "

" Sira! Bro, salamat nga pala sa tulong mo, last na yung mga pictures. Hinding hindi na kita iiinvolve sa plano ko sa mga Romualdez. kayo ni Liza, ano nga palang status nyo? "

" Hmmm... we're getting there. "

" Talaga? Bakit hindi naman sa kin nagkukwento yung babaeng yun. Pano ka nakasiguro na may feelings sa iyo si Liza? "

" I'm sorry Jerome, but we did it. Not just once, but thrice "

" Darren!!! "

" Makareact parang tatay lang. Don't worry, pakakasalan ko sya. Kahit saang simbahan at anumang oras kung gugustuhin nya lang. And that's... for real "

-------------------------------------------------------

Dahil wala na kaming pasok, Nagpaalam ako kay Athena na magbabakasyon sa Cagayan De Oro ng two weeks. Alam kong hindi sya sasama dahil busy sya sa review para sa nalalapit na board exam. Kagagraduate lang nya pero dahil sa maganda ang foundation ng Reinhard, she'll try to make the CPA board this coming May. And whatever the result, magpapakasal na kami sa June and that is 'our plan'

Pero sa totoo lang, umuwi ako ng CDO para makapag isip. Para kasing nag iiba ang takbo ng mga pangyayari, parang hindi na naaayon sa orihinal na plano. At ito ang gusto kong tuklasin sa mga oras na ito, kung anong option ang pipiliin ko. Kung magbaback out man ako, di na ko babalik at magpapakita kay Athena. Yun lang, malamang habang buhay na kong itakwil ni mama. Para kong bumubuhat ng dalawang bagay sa magkabila kong kamay na may parehong timbang.

Sa isang banda, gusto kong humingi ng consideration kay mama, at yun ang una kong gagawin.

" Kumusta ang nalalapit na kasal Jerome? Napagplanuhan nyo na ba kung saan ang venue at reception. May kinuha na ba kayong coordinator? Sinu sinong nakaline up na ninang at entourage? Remember, dapat ang set up engrande. "

" Ma, pwede bang wag na nating ituloy ang plano? "

" What??!! Anong kalokohan to Jerome?! Bakit bigla bigla kang magbaback out??!! "

" Nakuha ko na ang pagkababae nya, nahulog na ang loob nya sa kin. Somehow, napaglaruan ko na sya.. sila ng kanyang pamilya. At sa gagawin ko, masasaktan din sila.

Hindi ba pwedeng hanggang dito na lang tayo mama?! "

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? May problema ba tayo?..Oo masasaktan sila. Pero ano, sandali lang. Baka nga wala pang tatlong buwan makalimutan na nila ang kagaguhang ginawa mo... Alam ko na, inlove ka na sa babaeng yun. Bakit Jerome? Dahil maganda sya, magaling sa kama, matalino, mapera? "

" That's not the point! Ma pwede ba, tama na.. itigil na natin to, mag move on na tayo. Hindi ka pa ba napapagod? For twenty three years... ganito na lang ba tayo palagi? Kelan mo gustong tapusin to mama? "

" Kelan?!! Hanggang hindi ko nakikitang nahihirapan at nasasaktan sila. I want more Jerome, yung mapahiya sila sa harap ng maraming tao. Yung gugustuhin na lang nilang huwag lumabas ng bahay dahil sa labis na kahihiyan gaya ng ginawa nila sa kin. At madudurog ang puso nila, dahil ang pinakamamahal nilang anak ang nagdurusa. Jerome malapit na tayo, konting panahon na lang. "

" Pero hindi ko alam kung kaya ko pang gawin yun "

" Kapag hindi mo tinuloy yun... ako ang makakalaban mo. Mamili ka Jerome. Ako na iyong Ina... o ang babaeng yun "

-----------------------------------------------

Author's note: (Important)

I need 9,000 likes for this chapter & 50 comments to read Chap 18 & 19. This story is for free so show some love 😂

If done liking, message me & I'll send you the next chapter in private.
Sorry magdadamot na ko dahil Ang dadamot nyo magcomment 😁

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon