Chapter 7

265 13 0
                                    

Gyl's PoV
Andito lang ako ngayon sa sofa. Actually kanina pa ako nakabihis at hindi mapakali. Di ko alam kung saan ako didiretso ngayon. Natigilan naman ako nang bigla akong kausapin ni dad.

"Gyl saan ka didiretso ngayon? Kay cevi ba?" birong sabi ni dad

"Dad. Ayaw ko nga makasama yung baklang yun ei" saad ko

"Oh sige. Maiwan na kita. I have to go. Bye princess" paalam na sabi ni dad

"Sige po. Ingat po kayo"saad ko

Nagwave lang si dad at tuluyan ng umalis dito sa bahay. Hay anong gagawin ko ngayon? Ayaw na ayaw ko ngang pumunta sa company ni bakla ei. Mga ilang saglit pa ay natigilan at nagulat nang biglang may nagtext sa akin. Binasa ko naman ito.

Hindi ka ba pupunta dito? Hinihintay kita

Nang mabasa ko yan, na-confuse ako at napaisip kung sino nga ang nagtext. Narealize ko na si cevi ang nagtext. Nireplyan ko naman ito.

Sino ba kasing nagsabi sa iyo na hintayin ako? Teka kanino mo nakuha ang number ko?

Nagsend ito at mga ilang saglit pa ay nagreply naman ito agad

Hindi mo na dapat malaman. Kung bilisan mo na lang kaya

Hay nakung bakla ka talaga. Masasapak na kita ei. Siguro nga kanina pa yun naghihintay kawawa naman. Mga ilang saglit pa ay nag-ayos ako at kinuha ang sasakyan at nagtungo na sa company ni Mr. Sungit. Safe naman akong nakarating at nagtaka ako kung bakit di na ako sinita ni kuyang guard.

"Oh kuya, hindi mo man lang ba ako sisitahin?" birong tanong ko

"Eh ma'am papasukin ko daw kayo agad kung sakaling dumating ka" kuyang guard

"Ayun. Anong nakain ng boss mo at biglang bumait?" tanong ko

Natigilan naman kami bigla sa pag-uusap nang biglang dumating si cevi

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" bungad na tanong ni cevi

Ngumiti si kuyang guard at ganun din ako

"Ano ngingiti ka na lang dyan? Wala kang balak pumasok" dagdag na sabi ni cevi

Natigilan naman ako saglit

"Ang aga aga sungit sungit mo. Meron ka ba?" birong tanong ko

Natawa naman si kuyang guard

"Kakatawa yun? Kung tanggalan kita ng trabaho" cevi

"Ang sama mo talaga kahit kailan. Eto naman binibiro ka lang ei"sagot ko

Umalis siya bigla. Nainis siguro talaga siya. Nagpaalam na ako kay kuyang guard at sinundan na lang si cevi. Nakarating na ako sa office niya at naabutan ko naman siyang nakaupo sa office's chair.

"Akala ko wala ka na talagang balak na sumunod ei"bungad na sabi niya

"Hmm, actually wala talaga, napilitan lang ako" birong sabi ko

"Ah ganun. So ano pa ang ginagawa mo dito? You can live now"seryosong sabi niya

"To naman. Napakaseryoso mo. Ngumiti ka naman kahit minsan ano" saad ko

"Ms. Gyl Gonzaga andito ka sa company ko ngayon para mapag-usapan ang tungkol sa project natin together at hindi ka nagpunta dito para asarin ako. Naiintindihan mo ba?" saad niya

Tinignan ko siya at ang seryoso niya talaga.

"Oo tama ka. Ang seryoso mo kasi, di lang ako sanay" saad ko

Wala akong maisip na isasagot sa kanya

"Hmm, wala ka man lang ibang damit na dala?" tanong niya

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now