Chapter 79 A Little Moment

58 3 0
                                    

Di na daw maghihiwalay. Hanggang dulo na daw. Oy wala ng ganun ngayon uy!!















Cole's PoV

It's a wonderful Tuesday at sobrang busy lahat ng tao rito sa company ni Mr. Wilkerson, di ko din alam kung bakit sobrang busy nilang lahat. Sa pagkaka-alam ko kasi tomorrow pa ang first shoot namin para sa commercial namin ni Gyl

Andito ako ngayon sa office ko at masayang tinitignan ang news sa dyaryo. Nasa headline kasi agad yung pangalan ko dahil dun sa pag-endorse ko ng product ni Mr. Herman. Mga ilang sandali pa ay pumasok sa loob si Ms. Trixie

"Yes Ms. Trixie, ano po ang kailangan mo?" masiglang tanong ko

"Hmm, hinahanap ka na ng mga tao sa baba" saad ni Ms. Trixie

Hinihintay?? Ano na naman bang meron? Naguguluhan ako ah

"Ha? Ano po bang meron?" tanong ko

Naguguluhan man ako pero sumama pa rin ako kay Ms. Trixie para nga tignan kung ano ang nangyayari sa baba. Di ko naman birthday, hindi pa naman Christmas at New Year. Ano bang meron?

"CONGRATS MR. BRETMAN!!!!" masayang sigaw ng mga empleyado ng kompanya

May mga banners and cakes pang nakahanda. Akala mo tuloy nanalo ako sa election. Gusto lang pala nila akong i-congratulate dahil sa successful project ko with Mr. Herman. Pero kahit sobrang bongga ang pasabog today, may isang tao akong gustong makita ngayong araw, hindi ko rin alam kung bakit. Sana nandito siya

Maingat kong nilibot ang aking paningin sa mga taong nandito ngayon. Hindi ako nabigo na mahagip ng aking mata ang kanina ko pang gustong makita. Hay na-satisfy na ako. Kasama niya sa Ms. Trixie at ang Team ko

"Bro!! You staring at her? You can call her" sulpot na sabi ni Gab

"Hey, no I'm not. I'm not staring at her okay?" saad ko

"Okay fine" sabi naman ni Gab

Mga ilang sandali pa ay iniwan ako ni Gab rito, di ko alam dun kung saan siya pumunta. Naupo naman ako sa sofa rito dahil kanina pa ako nakatayo eh

"Eh Ms. Trixie nahihiya ako sa kanya, tignan mo mag-isa lang niya dun" saad ng isang familiar na boses

Kahit nandito kami sa Italy, pwedeng mag-Tagalog, di naman nila pinagbabawal

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na yun. Siya lang pala! Kausap niya si Ms. Trixie, feeling ko ako ang pinag-uusapan nila kasi ako lang naman ang nag-iisa rito sa sofa. Yung iba kasi may kanya-kanyang group na sinasamahan

"Ah Cole, there's someone who wants to seat beside you, is it okay?" tanong sa akin ni Ms. Trixie

"Yes Ms. Trixie it's okay for me" nakangiting sabi ko

Bakit ba kasi siya nahihiya sa akin? Alam ko naman na di niya pa alam ang totoo pero on the right time and right place sasabihin ko rin sa kanya

"Hmm see. Do you hear it? Ayos lang daw sa kanya" saad ni Ms. Trixie kay Gyl

Mga ilang sandali ay lumapit na nga si Gyl sa akin. Push na push rin naman kasi si Ms. Trixie eh

"Sorry for disturbing you" saad ni Gyl

"No, it's okay" sabi ko

"Thanks. Ah, congratulations again" saad niya

"Thank you" sabi ko

Ngumiti lang naman siya sa akin kaya naman napangiti na lang rin ako. Mga ilang sandali pa ay inabutan kami ng pagkain ng isang waiter kaya naman agad ko na rin itong inabot at binigyan si Gyl

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon