Chapter 30

227 10 1
                                    

Inspiration?? Marami ako niyan.. SKL. Haha.. LOLs

Continuation..

Cevi's PoV
Nakapag-ayos na ako para sa gala namin ni Gyl. Nung tumawag si Jerius sa akin, tinanong ko siya kung paano manligaw, ayun nagbigay siya ng piece of advice. Alam niyo na nahihiya ako, lalo na pagdating kay Gyl. Speaking of Gyl baka naghihintay na yun. I have to go na sa room niya

"Bukas yan" rinig kong sabi niya after kong kumatok sa room niya

Pumasok ako sa room niya at naabutan ko siya, ayos naman na ang lahat sa kanya. Napakasimple niya talaga pagdating sa damit. Naka-supreme T-shirt siya, same kami ah, then naka-jeans at naka FILA na rubber shoes, same kami ah pero white yung kanya.

"Matunaw ako" saad niya

Nabalik ako sa realidad after niyang sabihin yun,nakatitig na pala ako sa kanya

"Tara na ba?" tanong niya

"Oo, mukhang ok naman na ang lahat eh" sagot ko

"Hmm, magala ka talaga noh" sabi niya

"Di ah" tipid na sagot ko

"Hindi daw, tignan mo nga yang suot mo" Gyl

Ano nga ba ang suot ko? Naka-tokong lang naman ako, nakasupreme na T-shirt pero color dark blue, then naka FILA na sapatos

"Tokong pa more" dagdag na sabi pa niya

"Edi wow, tara na nga" saad ko

Nauna akong lumabas ng room niya

"Saglit lang naman, ang bilis bilis mo naman" rinig ko pang sabi ni Gyl

Nakalabas na kami ng hotel pero nauuna pa rin ako kay Gyl. Bahagya akong tumigil para tignan siya. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at nakayuko. Nilapitan ko siya at marahang tinaas ang ulo niya, umiiwas siya sa akin

"Bakit? May problema ba?" paunang tanong ko

"Wala naman. Pero binibiro lang naman kita sa suot mo eh" sagot niya

"Pero di mo ako pinapansin. Sorry ah" dagdag pa niya

Bakit ba kasi napakasensitive ko? Di ako sumabay sa biro niya. Hay naku CJ

"Sorry din ah, binibiro mo lang pala ako sa suot ko, sorry kasi napakasensitive ko" saad ko

"Bagay nga sa iyo yang suot mo eh" sabi pa niya

Bahagya akong kinilig sa sinabi niyang yun

"Sorry talaga. Pero babawi ako sa iyo" tugon ko

Hinawakan ko ang kamay niya at simulang naglakad patungo sa lugar na pupuntahan namin

Mga ilang saglit pa ay narating na namin ang isang peaceful place dito sa Italy.  Pinahanda ko talaga ang lugar na ito, malapit ito sa pond. Mukhang nagustuhan nga ni Gyl ang place na ito, nagpipicture na kasi eh

"Mukhang nag-eenjoy ka ah" saad ko

"Salamat at dinala mo ako sa place na ito. Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya

Di ko alam kung dapat lang ba na sabihin sa kanya. Bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot

"Eh kasi, ito lang alam kong paraan para ligawan ka" sabi ko habang nakayuko

Naramdaman ko namang lumapit siya sa akin at inangat ang ulo ko. Nagtitigan kaming dalawa. Gyl, huwag please, marupok ako

"Talagang tinuloy-tuloy mo ah" sabi niya

Talaga namang nagbiro pa ang ate niyo

"Nagbalik-loob na ang kuya niyo" dagdag pa nito

Bumalik na siya sa pwesto niya after niyang sabihin yun

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now