Chapter 37

164 7 0
                                    

Yung tipong dalawa na lang kayo ng bestfriend mo ang single sa barkada niyo.. Haha it's ok it's ok

Kamustahin naman natin ang mga tao sa Pilipinas

Andie's PoV
Thank you author.. Syempre andito ako ngayon sa company ni Cevi kasama ang mga alaga niya rito. Habang wala kasi siya ay ako muna ang namamahala rito. Sa company ko naman, andun yung kapatid ko.

Ilang araw ng pabalik-balik rito yung Hermes yung mortal na katunggali ni Cevi sa business. Gusto niya raw makaharap si Cevi. Ang kulit nito ah, tadyakan ko na ito eh

"Ah Ms. Andie may tao po sa baba pero ngayon ko lang po siya na-meet" saad ni Jurie

"Hindi ba si Hermes yan? Mamaya nagdidsguise lang yun ah"saad ko

"Sure po ako Ms. Andie hindi po si Mr. Hermes yun" sagot ni Jurie

"Sige halika,dalawa tayo. Pag nasa baba na tayo tawagin mo si kuyang guard OK" sabi ko

"Yes po ma'am" sagot ni Jurie

Dahan-dahan kaming bumaba ni Jurie para di mahalata nung tao na yun. Tinawag na rin niya ang guard. Kakatakot ah

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya

Humarap ito sa amin at nagtanggal ng shades. Sino ba ito? Tatawagan ko na ba si Cevi?

"Hay naku ate andie, ang bilis mong makalimot" sagot nito

Sino ba siya? Di ko siya maalala

"Di kita kilala.. Sino ka ba? At ano ang ginagawa mo rito sa company ni Cevi?" saad ko

"Aist! Nakalimot si ate andie.. Ako si Titus.. Di mo ba talaga ako naalala?"saad niya

Matagal kong inisip kung saan huli ko siyang nakita.

"Titus? Yung kapatid ni Cevi?" takang tanong ko

"Yes ate andie.. Kala ko tuluyan mo na akong nakalimutan eh" Titus

"Teka, anong ginagawa mo rito? Diba nasa Greece ka. Alam ba ito ng kuya mo?" saad ko

"Opo ate andie, nakausap ko na si kuya tungkol sa pag uwi ko. Dito na ako tumuloy kasi di ko alam kung anong address ng bahay niya eh" sagot nito

"Ok. Oh kuyang guard ok na.. Salamat po ah" saad ko

Tumango na lang si kuyang guard at bumalik sa trabaho niya

"Ate andie sino yung secretary ni kuya dito?" tanong ni Titus

"Ah ako po sir.. Ako po pala si Jurie. Ang secretary ni Mr. Cevi for 2 years" sabat ni Jurie

"Ah ok.. Sige ate andie. Iwan muna kita dito. And jurie. Ituro mo sa akin kung saan ang office ni kuya" saad nito

Tumango na lang ako sa kanila at naiwang nakaupo rito sa sofa

Cevi's PoV
Andito kami ngayon sa isang Souvenir Store ni Alex. Syempre di naman ako papayag na walang pasalubong kay Gyl galing Canada diba, di naman sapat ang chocolates lang

"Ano bang magandang ibigay kay Gyl galing dito?" saad ko

"Hmm, di naman ako si Gyl para tanungin mo" saad ni Alex

Nakatos ko naman siya sa ulo

"Aray ko naman bakla.. Nananakit ka ah"inda ni Alex

"Nanghihingi nga ako ng idea diba.. Alam ko namang di ikaw si Gyl. Loka ka" sabi ko

"Pero bakit kailangang manakit? Buti nagustuhan ko pa ni Gyl" saad nito

"Mabait naman kasi ako pero pag galit na. Ay, maghanda ka" sabi ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now