Chapter 57

127 3 0
                                    

Sobrang saya ko kahit na hindi tayo. Mas okay na rin sa akin yun na espesyal ang turingan natin sa isa't-isa, masaya tayo kaysa naman sa relasyon na hindi naman tayo masaya

Hello guys, sorry sa late update ko ah.. Di ko po sinasadya

Be ready dahil birthmonth na ni Cevi at isabay mo pa ang monthsary nila ni Gyl



Writer's PoV
Maganda ang naging simula ni Gyl sa trabaho bilang OSI. Lagi siyang nakastay sa office sa HQ at minsan na lang sumama sa mga crime scenes. Ganun din naman si Cevi, mas naging tutok pa siya sa trabaho niya at businesses niya

Busy man sa trabaho ang dalawa, hindi naman sila nawawalan ng time sa isa't-isa. They can manage their and know their responsibilities kaya naman proud ang mga magulang ni Gyl kay Cevi

Ngayong buwan ang pinaka-aabangan birthday ni Cevi at monthsary nila ni Gyl. Ngayong buwan din ang flight nila patungong Italy for their second endorsement






Cevi's PoV
Gaya ng sinabi at pinaalala sa amin ni Mr. Wilkerson, andito nga kami ni Gyl sa Italy for our second endorsement. Naku, sisikat na nga kami talaga ni Gyl nito

Nandito kami ngayon sa hotel na tinuluyan namin noon na pagmamay-aring sarili ni Mr. Wilkerson. Nagulat nga rin siya nung una dahil sa relasyon namin ni Gyl

"Okay Cevi and Gyl, we will start the shoot tomorrow okay" Mr. Wilkerson

"Okay Sir" sabi ko

"Okay Sir, copy" sabi ni Gyl

Tumango naman si Mr. Wilkerson saka umalis at naiwan naman kami ni Gyl dito sa lobby

"Nakakapagod naman yung byahe. Hoo" saad ni Gyl

Bumuntong hininga muna siya saka pumikit panandalian

"Tulog ka muna sa taas. Nakahanda naman na daw yung room natin. Lika na, pahinga ka muna dun" sabi ko

Tila wala siyang naririnig kaya lumapit ako sa kanya at pumantay sa kanya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inintertwine ito. Marahan niyang minulat ang kanyang mata at tumitig sa akin

"Ang sabi ko tulog ka muna sa room natin para makapagpahinga ka ng maayos" mahinahong sabi ko

Ngumiti lang naman siya sa akin saka hinalikan ang ilong ko. Kinikilig ako Gyl huwag kang ganyan

"Love tara na dali, para makapagpahinga ka na" sabi ko

"Mamaya na. Dito muna tayo" pagpipilit na sabi niya

"Ay, halika na dali" sabi ko

Umayos siya ng upo at ngumisi sa akin. Di ko alam dito baka gustong magpabuhat

Umayos ako ng upo at tumalikod sa kanya para ibakay siya

"Dalian mo na, nangangawit ako" saad ko sabay tap sa balikat ko

Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paggalaw niya at ang paglapit niya sa akin

"Kumapit ka ng mabuti okay" utos na sabi ko

Inayos niya nga ang kamay niya at mas hinigpitan ang kapit sa balikat ko

Paakyat na nga kami ng makasalubong namin si Ms. Trixie

"Oh welcome back Cevi and Gyl" bati ni Ms. Trixie

"Hello Ms. Trixie. Salamat ulit sa mainit na pagtanggap sa amin" sabi ko

"Always welcome. Sa taas na ba ang tungo niyo? Oh sige magpahinga muna kayo" Ms. Trixie

"Thank you Ms. Trixie" saad naman ni Gyl

I Love The Way You Are Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu