Chapter 9

275 7 1
                                    

Eto ang moment na pinakahihintay ng lahat.. OMG.. Ano kayang magadang ganap?? Abangan

Cevi's PoV
Andito pa ako sa office ko kasi ayaw ko pang lumabas. Mamaya pa naman mag-sstart ei. Hmm, si gyl kaya pupunta kaya siya? CJ anong sinasabi mo? Natigilan ako saglit nang biglang may kumatok.

"Come in" saad ko

Niluwa naman nito si andie

"Hmm, sis di ka pa ba lalabas?" andie

"Hindi pa. Bakit ba?" sabi ko

"Hello sis, andami mo kayang bisita. Hindi ko na iisa-isahin ano" andie

"Noh ba naman yan, andyan agad. Eh si gyl andyan na ba?" saad ko

Ha? CJ ano bang nangyayari sa iyo? Nung isang araw lang ansungit sungit mo sa kanya

"Wala pa din ei, kahit si Mr. Gonzaga" saad naman ni andie

Nalungkot naman ako bigla sa news na yun. Ano ba? Sabihin ko na ba kay andie yung andito sa dibdib ko? Pero hindi pwede bakla ako. Bakla ka cevi.

"Oh, bat natahimik ka? May problema ba kayo ni gyl?" andie

"Ahm, wala naman. Ano bang klaseng tanong yan" sagot ko

"Ah ok, so ano na meme? Halika na kasi" yaya ni andie

"Hay, kakaloka. Tara na nga" saad ko

Nagtungo na nga kami ni andie sa ground floor kung saan gaganapin ang event. Nagulat ako kasi andaming tao pero di naman ganun karami. Nagtungo kami ni andie kung saan nakapwesto yung iba naming partners and investors.

"Hey cevi, thank you for inviting us here" saad ni Deo

"Hmm, thank you for taking my invitations" saad ko

Katabi ko si andie. Wala pa sila Mr. Gonzaga pupunta kaya sila?

"Cevi, are you ok?" tanong ni Mrs. Amadea

"Ah, yes po" maikling sagot ko

"Hmm, Mr. Deo welcome back" saad ni andie

"Thanks, it's my pleasure para sa event na ito. Thanks cevi" saad ni Deo

"Paulit-ulit. Ok lang yun guys, ako nga dapat magpasalamat dahil pinaunlakan niyo ang aking imbitasyon" saad ko

"Hey cevi, di pa ba mag-sstart ang event?" jerius

"Ahm, hindi pa ei. Mamaya lang nang konti wala pa sila Mr. Gonzaga" saad ko

"Hey cevi, andito na sila" saad ni Mrs. Amadea

Natigilan kami saglit nang dumating na silang mag-ama. Daddy's girl pala itong si gyl. Pero ang ganda niya tonight ah. Akala ko talaga di sila pupunta kasama si jammer. Oo nga pala, pinsan ni gyl.

"Hello there Mr. Gonzaga. Hi gyl,hi jammer" saad ni Mrs. Amadea

Nakipagkamay naman si Mr. Gonzaga at si jammer kay Mrs. Amadea at nagbeso naman sila ni gyl.

"Hello po, hello gyl, hello jammer" andie

"Good evening po. Hello po sa inyong lahat" saad ni gyl at jammer

"Hey cevi, good evening" saad ni Mr. Gonzaga

"Hello po Mr. Cevi" jammer

Nakipagkamay lang naman ako sa kanila. Sinunod naman ni gyl yung sinabi namin sa kanya kanina na tumabi kay andie

"Sir, may bisita po tayo. Mr. Gonzaga this is Deo one of my investor,Deo this is Mr. Gonzaga" saad ko

Nagkamayan naman sila. Natigilan ako saglit nang biglang lumapit si jurie

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now