Chapter 28

200 9 1
                                    

Masanay ka ng wala siya sa tabi mo. Bakit? Sigurado ka bang hindi siya lalayo sa iyo?

Cevi's PoV
Andito pa rin kami ni Gyl sa Italy dahil di pa natatapos ang endorsement namin. Ang tagal nga eh, pero mukhang nag-eenjoy naman kaming dalawa. Talaga ba? Speaking of Gyl, kamusta na kaya yun?

Agad akong nagtungo sa kwarto niya, saktong paglabas niya kaya nakita niya ako

"Gyl, ayos ka na ba?" tanong ko

"Medyo ok naman na" gyl

"Sige halika na, hinihintay na nila tayo eh" saad ko

Agad na kaming nagtungo sa baba para sa first shoot namin. Buti na lang at naaral ko na yung script. Nung una di ko mabanggit yung mga words kaya I do a research para mabigkas siya ng tama

"Gyl naaral mo ba yung script natin?" tanong ko

"Oo naman" gyl

Mga ilang saglit pa ay dumating na ang mga mag-aarrange para sa shoot kasama si Ms. Trixie

"Hello Cevi and Gyl. Naaral niyo na ba yung script niyo?" Ms. Trixie

"Yes po" sabay na sabi namin ni Gyl

"Ok sige, wait lang kayo dito ah, kausapin ko lang yung magseset kung saan ang venue ng shooting" Ms. Trixie

"Ok po Ms. Trixie" saad ko

Agad ng umalis si Ms. Trixie para kausapin yung isang crew

Nung nabasa ko yung script dun ko naisip na yung role pala namin sa gagawin naming endorsement ay mag ex.. Juskolord!! Natawa na lang ako, wala akong experience sa babae eh. Haha..

Habang hinihintay si Ms. Trixie, tinignan ko si Gyl na kanina pa nakapikit, siguro kinakabisado niya yung line niya. Buti na lang at english itong sasabihin namin, may iilang Italian language. 1 min ko siyang tinignan, di ko alam eh pero napako talaga yung tingin ko sa kanya. Nabalik na lang ako sa realidad nang kalabitin niya ako

"Huy matunaw ako kanina ka pa nakatitig sa akin eh" Gyl

"Ah.. Ah.. Sorry Gyl.. Wag ka mag-alala pag natunaw ka, ipapasipsip kita sa basahan" saad ko

"Ang harsh mo sa akin ah" Gyl

"Di naman" saad ko

"Ewan ko sa iyo" Gyl

*5*4*3*2*1*

ACTION!!

"Hi can I join here?"

"Yah sure"

Then nagflashback lahat ng mga nangyari sa buhay naming dalawa. Yung mga panahong masaya pa ang relasyon namin.

Di ko ineexpect na magkikita kami ulit dito sa cafe na ito after ng break up namin.

Andito kami magkasama sa isang table.. Nagtatawanan,nagkwekwentuhan.. Mga ilang saglit pa ay natigilan kaming dalawa sa ginagawa namin

"Mi dispiace"

Sabay na sabi naming dalawa. Natigilan ako dun at akmang aalis pero pinigilan niya ako

"Ti amo ancora"

Natigilan ako nang sinabi niya yun. Para akong nabuhayan ulit. Yung nangyari kasi sa amin, ako yung bumitaw para bigyan ng space ang isa't-isa pero di niya ako sinukuan.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Do you want coffee?"

Nagcoffee lang, nagkamustahan.. Then...

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now