Chapter 42

160 9 0
                                    

Di tayong dalawa
Walang ikaw at ako
At kung magselos ako
Hayaan mo ako
Idadaan na lang sa
Ha Ha Ha pagtawa
Ha Ha Ha ang hirap ng kalagayan ko



Gyl's PoV
Andito kami ni Cevi sa labas. Sabi niya sa akin, mamasyal raw kami. Pangalawang araw ko dito sa Tagaytay na kasama siya. Nagpaalam din ako kay Tito baka mamaya di na ako makabalik sa HQ

"Saan na ba tayo?" tanong ko

Malayo-layo na rin kasi yung nalakad namin

"Wag kang mag-alala kabisado ko ito tsaka Tagaytay pa rin ito" sagot niya

Naupo ako saglit sa buhanginan. Napagod ako eh, kanina pa kasi kami lakad ng lakad

"Oh? Huminto ka, pagod ka na ba?" cevi

"Oo napagod ako" sagot ko

Naupo naman siya sa tabi ko

"Sige pahinga tayo saglit" saad niya sabay higa sa buhanginan

"Tumayo ka nga dyan" saad ko sabay hila sa kanya

"Ayaw" saad niya

Hinihila ko siya patayo pero ang lakas niya kaya ako ang nahila niya. Napahawak na lang ako sa dibdib niya

Saglit kaming nagkatitigan. Parang may something naman na sumapi sa katawan ko

Mga ilang saglit pa ay nabalik ako sa realidad at napaiwas na lang sa titigang yun at bumalik sa pagkakaupo

"Sorry. Sabi na kasing tumayo ka eh yan tuloy" saad ko

"Aysus, gusto mo din naman" saad niya

Nahampas ko tuloy siya pero di kalakasan

"Tara na nga, sabi mo gagala tayo" saad ko

Nauuna na akong maglakad sa kanya. Kasi naman ang kulit kulit kaya yun

"Saan na ba ito cevi?" tanong ko

Parang napalayo na kami at di ko alam kung nasa Tagaytay pa rin kami

"Nasa bayan na tayo Gyl. Halika pasyal tayo" yaya niya

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad-lakad. May mga ilang taong nakatingin sa amin dahil siguro kay cevi. May mga ilang taong bumabati sa kanya

"Sikat ka pala rito ah" saad ko

"Di ah sadyang kilala nila ako,dahil siguro namiss rin nila ako" saad niya

"Kamusta na kayo ng kapatid mo?" tanong ko

Natigilan naman siya sa tinanong kong yun. May mali ata sa tinanong ko

"Ah sorry, mali ata na tinanong ko" saad ko

"Its ok Gyl, pero saka na natin siya pag-usapan" sagot ni cevi

"Malapit lang ba dito yung mga tourist spot dito sa Tagaytay?" tanong ko

"Yes,bakit gusto mo pumunta?" tanong ni cevi

"Why not kung ikaw naman yung kasama ko,safe naman ako pag kasama kita" sagot ko

Napangiti naman siya sa sinabi kong yun. Sabi na eh,kinilig na naman siya

"Kinilig ka na naman noh" saad ko sabay sundot sa tagiliran niya

"No I'm not" saad ni cevi

"Aysus, aysus" saad ko

"Alam mo tara na. 5 pm na oh, magpapaalam pa tayo kila Mang Esther" saad niya

Naku,nagtatampo na naman yan. Kilala niyo naman po yan, matampuhin,kunting kibot pikon na, gusto laging nilalambing

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now