Chapter 27

214 7 3
                                    

Tara library tayo.. Gusto ko kasing magbasa

Endorsement has start now.. Ano kayang magadang product ang pwedeng i-endorse.. Good luck Cevi and Gyl

Gyl's PoV

"Gyl bilisan mo, naghihintay na sila sa baba" sigaw ni cevi

"Oo eto na" saad ko

Mabilis akong lumabas ng room ko at nakita ko si cevi. Ang aga niya kasi eh, kainis siya. Mga ilang saglit pa ay lumapit siya sa akin

"Masyadong naparami ang pulbo sa mukha mo" saad niya

"Tara na nga" saad ko

"Bakit ba ang tagal mo?" cevi

"Eh bakit kasi ang aga mo?" balik na tanong ko

"Aist! Tara na nga, mapagalitan pa tayo eh" cevi

Hinawakan niya ang kamay ko at agad na bumaba dahil kanina pa kami kailangan dun

"Buti naman at nandito na kayo" dad

"Sorry po dad, kung natagalan" saad ko

"It's ok" dad

"Ok Gyl and Cevi come here on stage. Kailangan namin ng picture niyo together" Trixie

Buti na lang at nagtatagalog siya. Ang bongga lang kasi merong nakahandang mga mag-aayos sa amin. Mga ilaang saglit pa ay lumapit na kami kay Ms. Trixie

"Ok guys closer,closer guys" utos ni Ms. Trixie

"Bakit ayaw mong dumikit sa akin?" cevi

"Huwag ka nga dyan" saad ko

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni cevi palapit sa kanya kaya napakapit ako sa balikat niya. Mga ilang segundo pa ay nagkatitigan kami

"Ah, excuse me guys, ibang closer ata ang nangyayari" Trixie

Napabitaw ako sa balikat niya nang sawayin kami ni Ms. Trixie

"Ah, ok so yung endorsement na gagawin niyo is about sa coffee ni Mr. Wilkerson, para kayong nasa isang cafe. Oh, here's your script, aralin niyong mabuti. Bukas we were start the shoot" Ms. Trixie

"Ok po. Noted po" saad ko

"Thank you po" cevi

Mga ilang saglit pa ay umalis na si Ms. Trixie. Naupo naman kami ni Cevi sa sofa dito. Habang si dad naman ay abala sa pakikipag-usap kay Mr. Wilkerson.

"Ang haba naman ng script natin" cevi

"Nagrereklamo ka?" tanong ko

"Aba dapat lang, totoo naman, tapos english and Italian pa, myghad" cevi

"Ang arte arte mo, di sabihin mo kay Ms. Trixie" saad ko

"Di ako maarte" cevi

"Talaga ba?" saad ko

"Oo kaya. Di lang basta maarte, maarte na maarte" cevi

"Hindi kaya. BAKLANG MAARTE  kaya" saad ko

Nilapag niya yung script niya at hinawakan ang magkabila kong braso

"Anong sabi mo? Di ako bakla noh" cevi

"Talaga ba?" saad ko

"Di nga" cevi

"Bitawan mo nga ako.. Isa, dalawa.. Bibitawan mo o bibitawan mo" saad ko

"Hoy ano ba kayong dalawa?" saway ni dad

Napabitaw naman siya nang sawayin kami ni dad. Kung di pa saswayin, di titigil. Kakaloka,pero ang cute niya pag naiinis. Inirapan niya lang ako after nun. Wow ah. Mga ilang saglit pa ay dumating na yung magaling niyang kaibigan at nagbeso sila sa isa't-isa

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now