Cole's PoV
"Okay... Cut!! Retouch please" saad nung direktor
Ka-artehan naman ng direktor na ito. Ka-aayos lang mag-aayos na naman
"Hey, make it faster!! We're running out of time" sigaw niya sa amin ng Team ko
"Sige na nga Sir, punta ka na dun. Kakainis siya" sabi ni Zeyn
Mabilis akong lumabas ng tent namin para bumalik sa pwesto nila
Ngayong araw kasi yung project ko sa product ni Mr. Luca. Kinuha niya ako as a model ng product niya na Motorcycle kaya sa labas kami nagsho-shoot
"Okay. Back to your places. Okay! Rolling, in 3,2,1. Go!!" sabi ng director
Wala akong ibang ginawa kundi mag-pose gaya ng tinuturo nila sa akin.
"Okay, cut. Break in 30 minutes" saad nung maarteng director
"Hay, thank God" bulong na sabi ko
Kaya naman naisipan kong bumalik sa tent ng Team ko. Pero bago pa ako makarating dun, kinausap muna ako ni Mr. Luca
"You're doing great Mr. Bretman. I'm happy to pick you" saad ni Mr. Luca
"Thank you Mr. Luca. But no Sir, I'm thankful to work with you" nakangiting sabi ko
Tumango lang naman siya sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Nang makabalik ako sa tent namin, nahiga ako saglit sa folding bed dito. Hay, kakapagod kasi eh
"Ano?? Sinong ikakasal?" tanong ni Cevi
"Ay huli ka na sa balita gurl. Si Gyl at Kenn ikakasal na ngayon" sagot ni Andie
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang hindi magandang balita na yun
"So happy for them.. Ay oo nga pala... Ano pang hinihintay mo Cevi? May time ka pa, you're invited sa kasal ah" saad naman ni Andie
What?? Ako invited? Para ano? Makita silang masaya tapos ako malungkot na naman
"Hay. I'm wasting my time. Oh siya, uuwi na lang ako, napagod kasi ako. Bye" naiinis na sabi ko
Di ko na pinansin ang huling sinabi ni Andie at nagdire-diretso lang hanggang sa makarating sa parking lot
Di ko alam kung bakit nagawa kong ihinto ang sasakyan ko sa tapat ng simbahan kung saan dinaraos ang masayang kaganapan sa buhay nina Gyl at Kenn
Bumaba ako sa sasakyan ko saka tumapat sa pintuan nito
"Mr. Kenn do you accept Ms. Gyl as your lawful wife that will take care of you thru sickness and in health?" tanong ng Pari
"Yes I do, Father" sagot nung Kenn
"Ms. Gyl do you accept Mr. Kenn as your lawful husband that will take care of you thru sickness and in health?" tanong muli ng Pari
Sakit naman nun Father! Aray!! Di ko pa naririnig ang sagot ni Gyl mula sa tanong ng Pari
Mabilis akong pumasok rito sa loob ng simbahan at huminto panandalian
"Itigil ang kasal!!" medyo may kalakasang sabi ko
Nagtinginan ang mga tao sa akin mula sa mga bisita hanggang sa pari. Dahan-dahan namang tumingin sa akin si Gyl
Di ko mapigilang maluha dahil kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Masaya siya kasama ang lalaking yun.