Chapter 53

147 4 0
                                    

Kamusta naman ang mga kinilig? Haha minsan lang yun, next time ulit







Gyl's PoV

"Let's start the party" sigaw nung DJ

"WOAH.. WOAH" sigaw naman ng mga tao rito sa loob ng bar

"Party!! Party!!" sigaw naman nung iba

Oo.. Andito kami ngayon ni Cevi sa sikat na bar rito sa Tokyo. Halo halong amoy ang maaamoy dito sa loob ng bar. Mausok at maingay.

Nagtungo kami ni Cevi sa VIP room. Buti na lang unti ang tao rito at less ang ingay na maririnig mo. Naupo kami sa pwesto na malapit sa bintana kung saan tanaw ang labas na pinalibutan ng mga ilaw ang paligid

"What do you want?" tanong ni Cevi

"Ikaw bahala" sagot ko

"Okay" sagot niya sabay halik sa pisngi ko

Ramdam kong namula yung pisngi ko dahil sa ginawa niya. Naiwan ako dito at siya ay nag-order ng alak. Bago sa akin ito kasi siya ang kasama ko sa inuman. Nung last kasi nung nagalit siya sa akin na di ako nagpaalam sa kanya

"Lalim ng iniisip ah" saad niya bago umupo sa harap na pwesto ko sabay lapag ng alak

"Sorry may naalala lang ako" sagot ko

Tumango lang siya sa akin sabay inom ng alak niya

"Alam ba ng parents mo na iinom tayo? Kasi pati ako mapapagalitan" saad niya

"Ayos nga yun para dalawa tayong mapapagalitan kung sakaling malaman nila, lalo na ni Dad" saad ko

"So di ka nga nagpaalam?" saad niya sabay ubos ng alak na nasa baso niya

Tumango na lang ako bilang sagot ko sa kanya, natawa lang naman siya sabay iling. Hindi ko kasi nasabi ang tungkol rito. Haha mukhang mapapasubo kami ni Cevi ah kung sakaling malaman. Amoy ko yung aroma na dala nung alak kaya agad akong uminom ng konti

Dun ko narealize na whiskey ang binili niyang alak sa akin. Tinawag niya yung lalaki para maghatid sa table namin ng alak.

Medyo marami na rin ang pumapasok na customer dito sa VIP room. Lumipat at inusog na lang ni Cevi yung upuan niya palapit sa akin. Umakbay siya sa akin at dinikit ang katawan niya sa akin, nilahad niya rin ang ulo niya sa balikat ko

"Umayos ka nga" utos ko sa kanya sabay tapik sa kanya

"Hmmm!" tanging sagot niya

"Inaantok ka na ba? Uwi na tayo kung gusto mo ng magpahinga" saad ko

Maya-maya pa ay umangat siya at marahang tinitigan ako sabay ngiti ng matamis. Ay naku, ayan na naman siya sa titig na titig na yan

"Umayos ka nga" may halong inis na utos ko sa kanya

Sumunod naman siya sa akin at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Kumuha ako ulit ng alak para sabayan siya. Mga ilang saglit pa ay humarap siya sa akin

"Cheers!!" saad niya sabay taas ng baso niya at nagtoss ang mga baso namin

"Mas masarap yung alak ko dito. Maybe next time ipasyal kita sa bar ko sa California and sa Greece" saad niya sabay lagay ng alak sa kanyang baso

"Okay.. Pero sino ang nagbabantay sa mga yun?" tanong ko

"Good news, bumalik na si Titus sa Greece kasama niya dun yung kapatid namin si Jahmil and sa California naman, yung mga kaibigan kong bakla" sagot niya

"Okay. Dalhin mo ako dun ah" masayang sabi ko

"Yes.. Ipapasyal kita" saad niya with matching kindat pa

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now