Gyl's PoV
Sunday ng gabi at nandito ako ngayon sa balcony at nagpapahangin. Iba na ang simoy ng hangin kasi nga malapit na ang Christmas
Yun na nga! Marami akong gustong itanong kay Cevi kung sakaling magkita kami. Sobrang dami!
Sana nga magkita na kami kasi sobra ko na ring miss yun eh kahit iniwan niya ako
"Cevi nasaan ka ba kasi? Marami akong tanong sa iyo" sabi ko sa kawalan
"Matagal naman na kitang pinatawad. Balik ka, usap tayo" dagdag ko pa
Ngunit di pa ako nakuntento kaya naman sinambit ko na ang gusto kong itanong sa kanya
"Cevi, bakit mo ba ako iniwan? May kulang ba sa akin?" maluha-luhang tanong ko sa kawalan
"Minahal mo ba talaga ako? Kung oo bakit ka umalis?" sabi ko pa
"Minahal ka niya Gyl. Sobra ka niyang minahal" sabi ng isang nilalang mula sa likod ko
Natigil yung pag-eemote ko nang sumingit siya kaya naman tumalikod ako para tignan kung sino yun.
Totoo ba ito? Pero teka.. Ano?? Naguguluhan ako
"C.. Cevi?? Ikaw ba talaga yan? Pero teka..." sabi ko
Di siya nagsalita at tumitig lang sa akin habang ako, tinetest pa rin kung sino ba talaga siya
"Pero teka, bakit mo suot ang damit ni Cole?? Teka kambal kayo??" sabi ko
Di na naman siya sumagot.. Ano ba naman itong lalaking ito? Panira ng moment
"Hindi kami kambal.. Gyl I'm sorry pero kailangan mong malaman ito" sabi niya
"Okay sige.. Go.. Pero teka, ikaw ba talaga ang nagsalita kanina? Kung ikaw, welcome back.. So narinig mo lahat ng mga sinasabi ko kanina?" sabi ko
Di na naman siya nagsalita.. Parang walang gustong lumabas ni kahit isang salita mula sa bibig niya
"Huy, kinakausap kita.. Ano?? Sumagot ka?" medyo naiinis na sabi ko
"Hello?? Kausap ba kita?? Ano??" sabi ko
"Oo!! Ako ito Gyl, si Cevi!! Welcome back!! Oo! Narinig ko lahat ng sinabi mo" sabi ni Cevi
"Okay.. So bakit ka bumalik?? After a long long long days?" tanong ko
"Dahil kailangan.. Oo!! Nagkamali ako kaya ako lumayo" sagot niya
"And gusto ko lang ipaalam sa iyo na kung akala mong hindi kita minahal, pwes nagkakamali ka.. Minahal kita Gyl" sabi niya
"Hmm, minahal mo ako? Pero iniwan mo ako! Yun ba?" sabi ko
"Oo! Iniwan kita kasi nung time na yun, hindi pa ako sigurado" sabi niya
"Okay fine!! Dyan ka naman magaling diba. You're taking advantage, pero di ka pa sigurado" sabi ko
"Sorry Gyl ah.. Tao lang din ako na nagkakamali" sabi niya
"And before I end this, gusto ko lang sabihin sa iyo na... Ako at si Cole ay iisa" sabi niya na ikinagulat ko
Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig. So all this time pinaniwala niya ako sa kasinungalingan
"Ano?? Seriously? You're joking, sabihin mo Cevi. Cole is such a great man" sabi ko
"Nagsasabi ako ng totoo Gyl. Please maniwala ka" sabi niya
"So all this time pinaniwala mo ako? Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo? Ha? Paano mo ba nagagawa sa akin ito? Ano bang kasalanan ko sa iyo? Ha? Ano?" galit na mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/157989907-288-k567313.jpg)