Chapter 18

207 8 1
                                    

Try niyong magmahal ng taong nakulangan sa height. Kulang lang sa height pero kapag nagmahal yan, naku magulat, lagpas pa sa height mo

Gyl's PoV
Andito ako sa HQ dahil tinawagan ako ni tito. Wala si aries kaya sila joerald, vigor at tory ang kasama ko. Hmm, di nagpaalam si aries ah. Loko yun. Mga ilang saglit pa ay pinatawag na kami ni tito, agad kaming lumabas at nagtungo na sa sasakyan.

"Baks ok ka lang?"tory

Nabalik naman ako sa realidad nang tapikin ako ni tory. Nakatulala kasi ako. Hay, gyl

"Ah.. Oo naman" sagot ko

"Sus.. Miss mo si aries noh?" tory

"Syempre, friend natin yun. Naiinis nga ako eh, di nagpaalam na naglive muna siya dito" saad ko

"Aysus.. Si baks may tinatago" tory

"Ano yung tinatago mo gyl?" vigor

Sumabat pa talaga ah. Loko talaga itong mga ito.

"Wala akong tinatago, kung meron man syempre akin na lang yun ano" saad ko

Nagkibit-balikat na lang yung mga kasama ko. Mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa crime scene. Andaming tao, may mga media, jusko may mga media. Agad kaming bumaba at nagtungo na sa pinakapinangyarihan ng gulong ito.

Kaya pala may mga media dahil politician yung namatay. Pati ba naman kasi politician papatayin nila. Wala na talaga silang nagawang maganda

"Kawawa naman yung pamilya ni Gov" saad ni Joerald

"Kaya nga. Ambata pa niya para mawala sa mundong ito" vigor

Tama sila kasi 28 palang si Gov pero may sariling pamilya na siya.

"Alam niyo, magpray na lang tayo para sa kaligtasan ng mag-ina niya" sagot ko

"Alam niyo, tama si gyl" tory

Malala pala ang tama ni Gov, binaril na nga sinaksak pa. Buti na lang at mababait ang mga residente dito, taga ibang lugar yung mga suspect at ngayon ay hinahanap na sila. Sana talaga mahanap na yung gumawa nito kay Gov. Mga ilang saglit pa ay tinawag na kami ni Tito Lyric at umalis na sa lugar na ito. Ayaw lang namin makipag-usap sa mga media. I-uupdate na lang daw kami ng mga police about sa mga suspect.


Cevi's PoV
Andito ako sa office ko kasama si Alex, business partner ko from Canada. Ngayon na lang kami ulit nagkita. Isasama niya daw ako next month sa Canada for our business

"So CJ sino yung ikwe-kwento mo sa aking girl?" Alex

Gusto kong ikwento sa kanya si Gyl. Baka magbigay ito ng advice.. Ha? Sinasabi ko?

"Ah so, this girl ay anak Mr. Gonzaga" panimula ko

"Hmm. I see. Don't tell me na gusto mo siya?" Alex

Halla, ito na.. Kakaloka, hot seat na naman si bakla

"Kilala kita CJ, wag ako" saad ni Alex

"Di ko siya gusto.. We're friends, hanggang dun lang yun Alex, ok" mabaklang saad ko

"Sus.. Pero I want to meet her CJ" Alex

"Yah, sure.. Baka papunta na rin siya dito" saad ko

Tinawagan ko kasi si Gyl para pumunta dito pero di ko pa sinasabi na gusto siyang ma-meet ni Alex. Mga ilang saglit pa ay may kumatok

"Yes come in" saad ko

Niluwa naman nito si Jurie

"Yes jurie? May meeting ba ako after nito?" saad ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now