Chapter 24

187 9 1
                                    

Nakita ko si crush na nakangiti. Ang tanong, ako ba ang dahilan kung bakit siya nakangiti?

Tuloy na tuloy na po talaga ang endorsement nila Cevi at Gyl

Cevi's PoV
Andito kami nila Gyl sa airport dahil ito ang time para sa endorsement namin. Kasama namin ang papa niya at si Alex, yung friend ko. Mga ilang saglit pa ay tinawag na ang mga pangalan namin.

"Gyl akin na yang gamit mo" saad ko

Binigay naman niya sa akin ang gamit niya. Nauna siya sa akin sumakay sa eroplano at ginusto ko talagang magpahuli

"Ang bait naman ni CJ" Alex

"Huwag ka nga, ayaw ko namang buhatin itong damit niya, mapayat na nga, nagbubuhat pa ng mabigat" saad ko

"Ay sumbong kita ah, mapayat ka dyan, sexy kaya si Gyl, maliit ang bewang, hmm" Alex

"Ay ewan ko sa iyo.. Maiwan na nga kita dyan" saad ko

Inabot ko sa isang FA yung gamit ko kasama ang gamit ni Gyl. Mga ilang saglit pa ay tumabi na ako kung saan nakaupo si Gyl

"Ang tagal tagal mo, ibibigay mo lang sa FA yung gamit eh" Gyl

"Ay, mabigat kaya yung gamit mo, akala mo di na babalik ng Pilipinas, hello" baklang saad ko

"Ay, sino din kaya ang nagsabi sa kanya na siya ang magbitbit ng gamit ko? Kunin-kunin mo sa akin tapos magrereklamo ka" Gyl

"May concern lang ako sa iyo, tignan mo kasi yang katawan mo, buti nabuhat mo pa yun" saad ko

Kinurot naman niya ako sa tagiliran kaya napatakip ako ng bibig

"Aray ko naman!" saad ko

"Che! Dapat lang sa iyo yan" Gyl

"Oh kayong dalawa, tumigil na nga kayo, aalis na tayo oh" sitang sabi ni Mr. Gonzaga

"Opo" sabay na sabi namin ni Gyl

Inirapan niya lang ako at binaling ang tingin sa bintana at nagtakip ng mata gamit blindfold niya

"Arte mo" pahabol na sabi ko

"Kung ako sa iyo, matulog ka na lang, ang ingay mo kasi" Gyl

"Che! Ikaw nga itong maingay" saad ko

"Oh kayong couple, ayos lang ba kayo dyan?" Alex

Tumango na lang ako kay Alex at ginaya ang ginawa ni Gyl.

"Kung di lang kita love, lilipat ako ng upuan" saad ko

"Edi lumipat ka, sino ba kasing nagsabi sa iyo na tabihan ako?" Gyl

Oh! Akala ko ba, natutulog na ito? Naku! Ang sarap mong kurutin Gyl

"Ewan ko sa iyo, manahimik ka na lang nga" saad ko

"Takpan mo na lang tainga mo, kung ayaw mo akong pakinggan" Gyl

Hindi ko na siya pinansin bagkus sinalpak ko na ang earphones ko sa magkabilang tainga at nakinig na lang ng music sa phone ko,nilakasan ko yun para di na marinig yung kaingayan niya, naiirita na talaga ako eh

🎶 🎶 🎶 🎶
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa

Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba

Ayaw ng paawat ang aking damdamin, tunay na mahal ka na

Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay pa rin at aasa..

🎶 🎶 🎶 🎶

"Hay Gyl, I fell inlove na talaga sa iyo" saad ko habang tinitignan siya

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon