Chapter 41

188 11 2
                                    

Sa bawat araw na masaya ako
Di ko tuloy maiwasang maisip yung Tayo
Na sabay haharapin ang bawat hamon sa atin ng mundo

Wow.. Wala po ito.

Cevi's PoV
Pabyahe na kami ngayon ni Gyl papuntang Tagaytay. Gulong gulo man siya ay sumama pa rin siya sa akin. Di ko pa kasi sinasabi sa kanya kung saan kami pupunta. Buti na lang at may resthouse kami sa Tagaytay kaya surprise na rin yun para sa kanya.

Tahimik lang sa loob ng sasakyan. Di ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya na nakatingin lang sa labas

"Ah.. Ayos ka lang ba?" tanong ko

Pansin kong tumingin siya sa akin pero di sumagot

"Huwag mo muna nga akong kausapin, may kasalanan ka sa akin" saad niya habang sinusulyapan ang paligid sa labas

"Ano na naman ang kasalanan ko sa iyo? Pinaalam naman kita sa mommy mo" saad ko

"Hindi yun. Tinatanong kasi kita kung saan ang punta natin pero di ka sumasagot" saad niya

Lah! Nagtatampo na naman ang baby girl. Sure akong malungkot yan

"Sorry na. Basta magtiwala ka lang sa akin" saad ko

"Nagtitiwala naman ako sa iyo. Di ko lang talaga maiwasan" sagot niya

Napailing na lang ako at napangiti habang tinutuon ang pansin sa daan. Minsan itong babaeng ito di ko maintindihan. Haysst! Ganun siguro talaga sila.

After 2 Hours na byahe ay narating na namin ang rest house ng family namin. Binili ko ito sa isa kong business partner. Worth it naman kasi ang ganda at ang lamig. Bumaba kami para tignan ang kabuuan ng lugar

"Surprise. We're here in.. Tagaytay" masayang sabi ko

Abot tenga naman ang ngiti ni Gyl nang sabihin ko yun. Lumapit siya sa akin at binigyan niya ng isang mahigpit na yakap. Di na ako gulat sa tuwing gagawin yun, nasanay na ako. Yumakap na lang ako pabalik sa kanya

"Di mo alam kung gaano mo ako napasaya nung marinig ko yung sinabi mo" saad niya

Natigilan ako saglit sa mga sinabi niya. Buti naman at napasaya ko siya. Mga ilang saglit pa ay bumitaw na siya sa yakap na yun

"Alam kong malamig rito at kailangan ng yakap, pwedeng wag ganun kahigpit" birong sabi ko

"Sorry.. But you make me happy Cevi" saad niya

"Aysus. Halika na nga sa loob at makapagpahinga na tayo at maglibot rito" saad ko

Nauna siya sa akin pumasok sa loob bitbit ang mga magagaan na dala namin. Ok lang kahit mabigat sa akin baka mamaya matumba pa yung kasama ko

Taga rito sila Mang Isaiah kaya famliy na lang niya ang kinuha kong caretaker para buong family niya nagtatrabaho sa akin. Wala naman silang palya sa paglilinis nito. Dalawang palapag ang resthouse na ito at tanaw ang dagat.

Naabutan ko si Gyl sa kwarto ko na nakahiga. Nakapagpalit na rin siya ng damit niya. Mukhang napagod ito ah. Sinilip ko naman ang relo ko 10 AM na, maaga kasi kaming umalis sa Manila eh.

Hinayaan ko muna siyang magpahinga at nagtungo ako sa kusina

"Magandang araw po Aling Esther" masayang bati ko

"Oh cevi di ka nagpasabi na uuwi ka. Kaya pala sabi ko kanina mukhang pamilyar ang kotse na yun" saad ni Aling Esther

"Pasensya na po. Ah.. Pero ano po bang pwedeng lutuin natin?" saad ko

"Syempre yung mga namiss mong pagkain. Huwag kang mag-alala maghahanda ako. May kasama ka ba?" Aling Esther

"Ah meron po. Andun sa kwarto, nagpapahinga" saad ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now