Chapter 61

120 5 0
                                    

If Anzai move forward, then I'll move forward too - Tsukasa

DEVILS LINE.. Done watching last last night.. Sobrang ganda nitong Anime panoorin niyo










Gyl's PoV
Andito ako sa office ko rito sa HQ kung saan ang daming paper works ang nakatambay. 2 days after, ng makabalik kami ni Cevi rito sa Pinas. Kaya yun, minsan lang na naman kami magsasama kasi sobrang busy siya, ganun din naman ako. Hay minsan tawag, tawag na lang. Hayst! Unting tiis na lang, magkikita kayo ulit

Di na nga kami natuloy sa Japan eh dahil urgent na ang meetings niya para sa company niya. Halos lahat ng meetings dapat siya ang umattend. Sabi naman niya next week daw kasi nga malapit na ang birthday niya at sabay mo pa ang aming 1st monthsary at ang gusto niya sa Japan yun i-celebrate. Excited pa man din ako kaya sana matuloy na

Medyo maingay na sa labas ng HQ dahil may event ngayong araw. May bago kasing ipapakilala si Tito sa amin eh na OSI din daw at ngayong araw na ito yun magaganap

Tapos naman na ako sa ginagawa ko pero andito pa rin ako sa loob para magpahinga saglit

"Gyl tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni Vigor

Pumasok siya rito at naupo sa sofa rito

"Ah oo tapos na ako, nagpapahinga lang. Pero ayos na ba sa labas? Tayo na lang ba hinihintay dun?" sabi ko

"Hindi naman. Wala pa si Sir Lyric eh pero sabi niya OTW na daw sila" saad ni Vigor

"Eh sina Tory? Andun na rin ba?" tanong ko

Hindi ko pa kasi nakikita sina Tory eh, ang sabi ni Vigor nasa Jailhouse sila. Sila ang duty dun

"Oo kanina pa nga sila nandyan" sagot ni Vigor

"Ah sige, susunod na lang ako dun. Mauna ka na dun" utos na sabi ko

"Sigurado ka? Oh sige basta sumunod ka dun baka mamaya simulan mo na naman yang trabaho, rest rest din noh" saad ni Vigor

"Oo na, susunod ako. Syempre susunod ako mamaya mapagalitan ako ni Tito eh" sagot ko

Tumango na nga lang ai Vigor sa akin saka tuluyang umalis rito sa office

Nagtambay pa ako panandalian dito para sana kausapin si Cevi eh pero mukhang busy yun sa ganitong oras

Wala akong nagawa kundi ang lumabas at magtungo na kila Tory. Mamaya ko na lang kausapin si Cevi

"Oh bakit natagalan ka ata sumunod kay Vigor?" biglang tanong ni Tory

"Ah may inasikaso lang saglit pero at least sumunod pa rin ako rito" saad ko

"Sige na, sige na.. Maupo na tayo rito sa pwesto natin" saad ni Tory

Naupo kami na nga kami sa pwesto namin kasama sina Aries at Joerald. Maraming bisita gaya ng mga matataas na opisyal. Pero kasama rin ang family ni Tito Lyric, sina Jammer at Gianne kasama si Tita Tanya

The program was about to start

"Ah good morning to each and everyone. Andito tayo ngayong lahat para sa isang mahalagang kaganapan ngayong araw. Gaya ng napag-usapan naming matataas ang posisyon, ngayong araw, may isa tayong espesyal na bisita. Dati na siyang nagsasabi sa akin na ipasok ko siya rito. Kaya nawala rin ako/kami ng ilang araw dahil sa formal training niya. Nakitaan naman namin siya ng potential at pagpupursigi sa trabaho. Kaya ngayon, ipapakilala ko na siya sa inyo kung sino ang aking tinutukoy. Please welcome Kenn Drew Hamilton to join here in stage. Let's give him a big round of applause" Tito Lyric

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan niya. Si Kenn....my first love and my first heartbreak. Alam kong wala siyang hilig dito pero nung nasa college kami gusto niyang sumama sa akin para sa Criminal Investigator Training

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now