Chapter 86 Sunshine

83 4 0
                                    


Cole's PoV

Andito kami ngayon sa airport para abangan si Gyl. Ngayong araw kasi ang balik niya rito sa Italy para sa rehearsals namin for Magazine Competition, next week na kasi yun. Kaya nga doble kaba ako.

Mga ilang sandali pa ng paghihintay ay natatanaw na namin siya.

She looks so more pretty today. Kahit ilang beses ko siyang makita, it feels brand new to me. Walang kupas ang ganda niya

"Hi guys. Kamusta kayo?" bating sabi niya sa amin

Ang bilis ng pangyayari, andito na siya harap namin at sumalubong ng yakap sa amin. Isa-isa niyang niyakap ang Team ko kasama si Ms. Trixie. And then she looks at me

"Hi" maikling bati niya sa akin

"Hi" maikling sabi ko bago niya ako yakapin

"I missed you" walang kung anu-anong bulong na sabi niya sa akin

Di na ako sumagot sa sinabi niya. Bahagya na lang akong napangiti dahil sa sinabi niya bago siya bumitaw sa yakap na yun

"Ay ang tamis tamis naman" saad ni Ms. Trixie

Kaya naman napaayos kaming dalawa sabay tawa ng Team ko. Ayses

"You look so more pretty today Ms. Gyl" biglang sabi ni Ted

"Oo nga Ms. Gyl sobrang ganda oh" saad naman ni Zeyn

"Ay di lang maganda, magandang-maganda" sabi ko

Nagulat man ang lahat pero napangiti na lang ako bago tumingin sa kanya.

"Pero kahit anong ganda, nagagawa pa ring iwan" kibit-balikat na sabi ni Gyl

"Aray!! Ang sakit naman nun Gyl" sabi ni Ms. Trixie sabay tingin sa akin

Ako ba ang tinutukoy niya? Takang-taka ako huh

Sinaway ko naman ang Team ko kasi umarte pa na akala mo sila yung nasaktan eh

"Tama na nga yan. Ang aarte niyo huh" sabi ko

"Oh siya, magbreakfast muna tayo kasi mukhang nangangayayat na itong si Gyl" saad ni Ms. Trixie

"Grabe si Ms. Trixie oh" sabi naman ni Gyl

Mas nauuna silang naglalakad kaysa sa akin. Nagpapahuli ako dahil iniisip ko pa rin yung sinabi ni Gyl kanina

"Hey, bakit ka naman nagpapahuli?" sulpot na tanong sa akin ni Gyl

Gulat man ako pero ngumiti pa rin ako sa kanya, para naman di halata

"Oh sorry. May iniisip lang. Sige na, sunod ka na sa kanila, ayos lang ako" sabi ko

"No" saad niya with matching iling pa yun ah

"No! Gusto ko, sabay tayo kaya huwag ka ng maarte dyan, hmm" saad niya

Wala akong naisagot sa kanya. Bakit ganito ba siya? Anong nakain niya?

"Oy kayong dalawa? Ayos lang kayo dyan?" tanong ni Ms. Trixie

"Yes Ms. Gyl, okay na okay" saad naman ni Gyl

Kaya naman natawa ako pero pinipigilan ko lang pero agad din naman akong sumeryoso

"So ano, sabay ba tayo?" tanong ni Gyl sa akin

"Walang TAYO, kaya sabay lang. Hmm" saad ko

Natawa lang naman siya sa sinabi pero sumunod na lang ako sa kanya as what she said na sabay kamong maglalakad palabas ng airport

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now