Chapter 65

139 5 0
                                    

Kung iniwan ka na at sinaktan ka, iwanan mo na, tama na. Gusto mo bang mabugbog sa sakit? Alam ko namang ayaw mo din yan. Pero huwag mo na masyadong isipin yan, ang isipin mo yung mga masasayang nangyari sa buhay mo. Kaya mo yan at alam kong malalagpasan mo din yan! Payt!

Alam kong matindi ang galit mo sa kanya kaya sana huwag mo na siyang balikan. Matuto ka sa mga pinaranas niya sa iyo.

Cevi's PoV
Andito ako ngayon sa cafe namin ni Gyl para magrefresh. Gusto ko kasi siyang kausapin para makapagpaalam sa kanya dahil kailangan ako sa L.A. Pinipilit na kasi ako nila Deo eh at ako na lang daw ang wala dun. At isa pa, yung paghahanap pa ng magbabantay sa business ko sa US.

"Ah Sir andyan na po si Ms. Gyl sa baba" sabi ni Aisha

"Okay sige susunod ako" sagot ko

Agad na rin nga akong kumilos at sumunod kay Aisha patungo sa baba kung saan naroroon si Gyl.

Pagkakita ko sa kanya para na naman akong nabigla, kahit kasi simple lang yung suot niya, napakaganda niya sa paningin ko.

"Isara mo nga yan, pasukan ng langaw sige ka" sabi niya

Ngayon ko lang narealize na sobra na pala akong nakatitig sa kanya at napanganga sa kanya. Agad ko din namang binawi yun dahil natagpuan ko siyang tumawa at ganun din si Aisha at Grey

"Tawang-tawa Aisha at Grey ah? Kakatawa yun?" inis na sabi ko

Umiling naman sila akin at muling bumalik sa ginagawa nila. Grabe sila sa akin ah pero biglang nawala inis ko nang yumakap itong bebe girl ko

"Ito naman, init ulo. So anong meron nga? At pinapunta mo ako dito?" tanong niya sabay bitaw sa yakap na yun

Di na ako sumagot muna sa tanong niya bagkus hinila ko siya at nagtungo kami sa office namin dito para dun namin mapag-usapan ng maayos. Naupo siya sa sofa rito at ako naman ay naupo sa office's chair

"So, ano nga ang pag-uusapan natin?" tanong niya

"Ah.. Ah huwag kang magagalit ah" sabi ko

"Syempre malaman ko muna yan bago ako magalit" nakangiting sabi niya

"Okay sige. Ah Love, kasi kailangan kong pumunta ng L.A." mahinahong sabi ko

Saglit siyang natigilan pero agad naman siyang ngumiti sa akin

"Sa business niyo right? Ayos lang naman sa akin don't worry" sabi niya

So ayos lang sa kanya? Sa akin nga di okay yun kasi sobra ko siyang mamimiss

"Okay lang sa iyo?" tanong ko

"Yah! Love oo malulungkot ako pero syempre for your business right. Ayos lang sa akin basta we do VC and calls okay" saad niya

Agad siyang yumakap sa akin at agad din naman akong yumakap pabalik sa kanya. Sobra ko siyang mamimiss talaga. Syempre ngayon lang kami magkakalayo ng matagal. Nung nass China nga siya tapos ako nasa Canada nalungkot din

"Love huwag ka ng malungkot dyan" saad niya between our hugs

"Di ko lang maiwasan syempre 1 month akong mawawala oh" saad ko

Agad siyang bumitaw sa yakap na yun at sinimulang tumitig sa akin. Marahan niya pang hinawakan ang mukha ko

"Madali lang 1 month. Isipin mo 5 days lang yun oh. Huwag ka ng mag-alala sa akin" sabi niya

"Mahirap kasi para sa akin pero sige, kakayanin" saad ko

"Yan, fight lang kaya natin yun. Dali dali ng 1 month eh kung 1 year ka dun ay naku, susunod ako dun o kaya sasama ako sa iyo aalis pag ganun nangyari" pabirong sabi niya

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now