Chapter 31

202 18 1
                                    

May mga bagong character na dapat paka-abangan. Not now but soon..

Cevi's PoV
Andito ako sa isang resto kasama ang investor na sinasabi ni Alex,buti na lang at willing siya makipagtrabaho sa kompanya ko.

"Anyway, thank you Mr. Clyde" sabi ko

"Thank you Mr. Cevi. I have to go" Mr. Clyde

Umalis na si Mr. Clyde at naiwan naman ako dito sa resto. Mga ilang saglit pa ay dumating si Alex

"Oh ano, vaklaa,ayos ba?" Alex

"Oo girl pumayag siya" sabi ko

"Buti naman. Eh kayo ni Gyl? Kamusta?" Alex

"Anong tanong yan? Alam mo kung anuman ang sa amin ni Gyl,amin na lang yun, chosera" saad ko

"Ang harsh mo ah, pero kailan daw ba ipapalabas ang endorsement niyo? Tapos na yun diba?" Alex

"Sabi sa amin ni Ms. Trixie maybe this Saturday" saad ko

"Ok. Excited na akong mapanood ah. Hmm, Canada na pala tayo next week for our business,napaalam mo na ba ito kay Mr. Gonzaga?" Alex

"Oo naman, sila kasi sa China naman ang punta" saad ko

"Hmm, separate ways kayo ni Gyl" Alex

"Baliw,tara na nga,balik na tayo sa hotel" saad ko

Agad na kaming dumiretso sa hotel. Natigilan naman ako saglit nang makita ko si Gyl kasama yung Grenier, wala lang. Pero ansakit sa mata ah

"Hey cevi, andyan ka pala" Gyl

"Hindi,picture ko lang ito" saad ko

Agad na akong umakyat at nagtungo sa room ko. Haysst! LQ? Hindi ah,tampo lang.

Andito ako sa kama nakahiga habang nagsusurf sa IG account ko,napansin kong pinusuan ni Gyl at nagcomment pa ang ate niyo. After nun ay inexit ko na yun at sa Twitter naman nagtambay.

Finollow ako ni Gyl? Teka? Paano nangyari yun? Paano niya nahanap ang pangalan ko? Mausisa ka talaga kang babae ka. Ang pangalan ko po sa Twitter ay yung pangalang kinamumuhian ko dati. JacksonBorja po kasi ang username ko. Diba ang ganda,mga kaibigan ko lang nakakaalam niyan pero dahil kilala ako sa US, ayun ang dami pa ring nagfollow sa akin.

Natigilan naman ako nang biglang may kumatok

"Bukas yan" saad ko sabay lapag sa mesa ang phone

Niluwa naman nito si Gyl

"What brings you here?" seryosong tanong ko

"Anong klaseng tanong yan? Masama ba akong magpunta sa room ng special someone ko?" Gyl

Special someome? Sabagay wala pa namang kami eh.

"Tapos na ba kayo mag-usap ni Grenier? Baka hinahanap ka na niya" sabi ko

"Pinag-usapan lang namin yung business niya. Teka,bakit ka ba ganyan?" Gyl

"Bakit kasi ang close niyo? Selos na ako" nakayukong sabi ko

"Hay,ikaw talaga. Magkaibigan lang kami nun,and besides nag-usap lang din kami tungkol sa GF niya" Gyl

"Yan, mas klaro sa iyo na magkaibigan lang kami, wala ka ng dapat ikaselos" dagdag pa niya

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya,and this time tumugon na siya sa yakap ko. Mga ilang saglit pa ay bumitaw na ako sa yakap na yun

"Pero di pa tayo ok" saad ko

"Bakit naman?" takang tanong ni Gyl

"You follow me on Twitter? Paano mo nalaman username ko?" tanong ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now