Chapter 50

199 11 0
                                    

Kahit na sino ang dumating, makaka-asa kang andito lang ako, hindi lalayo at maghihintay lang sa iyong pagbalik

Nakkss.. Wala po ito, napulot lang mula sa kaibigan




Gyl's PoV
Andito ako sa company namin. Syempre nagpeprepare sa product launching ni kuya jazz ngayong martes. Andito ako sa office ko kasama si Krizia. Di ko kasi alam yung isusuot ko, yung binili ko ba o yung binigay ni Cevi

"Ah ma'am ano, nakapili na kayo?" tanong ni Krizia

"Hay naku, hindi pa nga eh. Bakit? Andyan na ba yung mga bisita ni kuya? Magsstart na ba?" tarantang tanong ko

"Ma'am huwag po kayo masyadong natataranta. Maaga pa naman po para magstart na. Mamili na po kayo ng isusuot niyo" saad ni Krizia

Tumango na lang ako sa kanya. Mas kinakabahan ako ngayon. Hay naku, kasi naman

Habang tinititigan ko ang mga damit ay biglang nagring ang phone ko. Si cevi tumatawag. Agad ko din namang sinagot yun

Hi Love

Love? Nagulat naman ako sa binanggit niyang yun. Di ako sanay

Ah Gyl, ayos ka lang?

Ah oo, ayos lang ako. Di lang kasi ako sanay na tawagin ako nun

Well, ngayon masanay ka na.. Love

Aysus.. Teka teka nga, bakit ka ba napatawag? Alam mo bang hanggang ngayon, di pa rin ako nakakapili ng isusuot?

Why? May problema ba? Diba sabi mo, isuot natin yung binili mo para pair tayo?

Yes, pero yung binigay mo kasi sa akin eh

Aist! Next time mo na lang isuot yun. The important thing is kung ano talaga ang gusto mo. Lahat naman bagay sa iyo

Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. Sabagay, ako rin kasi ang nagsabi sa kanya na dapat pair kami

Ah sige.. Salamat sa sinabi mo ah

Ikaw talaga.. Ano? Okay ka na?

Oo, salamat.. Pero wait, anong oras ka ba pupunta dito?

Edi I follow what time ang nakalagay sa invitation

Aist! Pasaway ka talaga

Di naman. Actually nakabihis na nga ako

Ay! Di ka naman excited niyan. Pero sige na.. Magbibihis pa ako

Okay po madam.. Bye.. I'll be there, just wait for me.. Okay

Okay po.. Bye na cevi.. Love you

Love you too

After ng tawag na yun ay nagbihis na ako. Sinuot ko na yung damit na binili ko na parehas kami ng theme ni Cevi. Parehas blue ang color, navy blue actually. Ang cute niya nga, above the knee ang dress na ito

"Ma'am ang ganda.. Yiiee, kailangan pala si Sir Cevi pa ang magsasabi kung anong isusuot mo" birong sabi ni Krizia

"Krizia di naman sa ganun.. Di lang talaga ako makapili kanina" sagot ko

"Okay po ma'am" Krizia

After kong magbihis ay naupo muna ako sa office's chair at nireview ang sasabihin ko mamaya for Opening remarks. Kasi naman, bakit ako pa? Pwedeng si dad na lang.

"Nakaka-kaba pala itong Opening Remarks.. Hay" saad ko sa sarili ko

"Ma'am kaya niyo yan. Ikaw pa" Krizia

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now