Chapter 25

177 7 2
                                    

Huwag papasok ng maaga kung di naman kailangan

@CG's Hotel

Cevi's PoV
Andito ako sa room ko at nirereview kung anong product ang i-eendorse namin ni Gyl. Speaking of Gyl di ko pa siya nakikita, huling kita namin is yung ibinigay niya ang susi ng room namin ni Alex. Saan kaya yung babaitang yun?

"Si gyl na naman yan noh" saad ni Alex

Nagpunta siya dito sa room ko, syempre may sariling room yan, echosera yang babaeng yan

"Alam mo, puro ka Gyl, bakit di kayong dalawa ang magsama.. Kakainis ka na ah" saad ko

"Ay, tapang ng kuya niyo, eh kung di kaya kita tulungan sa endorsement mo tsaka sa paghahanap ng mga investors.. Paepal ka dyan" Alex

"Aba't talaga namang kinonsensya mo pa ako.. Ewan ko sa iyo, gulo mo din minsan" saad ko

"Ano? Makapagsalita ka dyan, kala mo ah" Alex

Di ko siya pinansin bagkus agad akong lumabas ng room baka sakaling makita ko si Gyl

"Huy sandali, saan ang punta mo?" Alex

Loko talaga itong babaeng ito, talagang sinundan pa ako

"Dyan lang, may hahanapin lang" saad ko

Hinayaan ko siyang sumama. Bahala siya dyan. Mga ilang saglit pa ay nakita ko si Mr. Gonzaga kausap yung business partner niya tungkol dun sa endorsement, tinawag naman ako ni Mr. Gonzaga at agad naman akong lumapit sa pwesto nila.

"Mr. Wilkerson this is Cevi Jackson Borja, Cevi for short. Cevi this is Mr. Denver Wilkerson" saad ni Mr. Gonzaga

Nakipag-kamay naman ako kay Mr. Wilkerson. After nun, naupo ako sa tabi ni Mr. Gonzaga

"So we were start the endorsement this Friday. Ok" Mr. Wilkerson

"Pero Mr. Gonzaga, nasaan po si Gyl?" bulong ko

"Ah nagpaalam siya, magsho-shopping daw siya, di ba siya nagpaalam sa iyo?" Mr. Gonzaga

"Ahy, hindi po eh, wala po siyang nabanggit" saad ko

"Ok pero yun ang sabi niya" Mr. Gonzaga

Iniiwasan na naman ba niya ako? Alam niyo kakainis siya, alam niya na kakausapin kami ni Mr. Wilkerson eh, wala. Tapos nagshopping? Myghad! Kaloka talaga yung babaeng yun

"Ok. So tomorrow we will continue our discussion about the endorsement if we are complete, ok?" Mr. Wilkerson

"Ok. Mr. Wilkerson" Mr. Gonzaga

Mga ilang saglit pa ay umalis na si Mr. Wilkerson at naiwan naman kami dito

"Akala ko kasi nagpaalam siya sa iyo? Magkaaway na naman ba kayo?" Mr. Gonzaga

"Ay hindi po, baka po nakalimutan niya lang magpaalam" saad ko

Bakit siya magpapaalam? May kami ba?

"Ah sige po Mr. Gonzaga balik na po ako sa room ko" paalam ko

"Sige cevi, pag andito na siya, text na lang kita ha" Mr. Gonzaga

"Sige po" saad ko

Nagwave na lang si Mr. Gonzaga sa akin. Nang pabalik ako ng room ko, nasalubong ko na naman si Alex

"Oh! Nahanap mo na ba yung hinahanap mo?" Alex

"Alam mo, andami mong tanong, kakairita ka" saad ko

"Ewan ko sa iyo, nagtatanong lang eh" Alex

Agad na akong pumasok ng room ko at sinara ang pinto. Ano bang pwedeng gawin? Alam ko na, mag-oopen na lang ako ng account ko baka sakaling may post si Gyl. Nagbukas ako ng account sa IG, napansin kong may nakatag sa kanyang picture

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now