Chapter 67 Extra Special

104 5 0
                                    

Dito na magsisimula ang kaguluhan sa istoryang ito. Humanda na kayo. Hihihi paka-abangan na lang sa susunod na chapter




"Gyl bakit mag-isa ka dyan. Nasaan si Tory?" Kenn

"Ah umalis lang siya saglit may kinuha ata sa hotel" Gyl

"Tara dun tayo, hindi yung nagmumukmok ka dyan. Enjoy this day" pagpipilit ni Kenn kay Gyl

"Ah hindi ayos lang ako, pabalik na rin naman si Tory, don't worry about me" nakangiting sabi ni Gyl

"Ito naman minsan lang mag-aya sa iyo. Halika na" saad ni Kenn

"Hindi Kenn dito lang ako. Ayos lang ako, ano ka ba?" saad ni Gyl

Natatawa na lang din si Kenn sa inasal ni Gyl pero di pa rin siya umaalis sa tabi ni Gyl.

"Alam mo halika, ito naman minsan lang ako mag-aya eh" saad ni Kenn sabay hila kay Gyl

"Huy ano ka ba, bitawan mo nga ako. Grabe siya, ayos nga lang ako dito Kenn ito naman" saad ni Gyl

"Halika na" saad ni Kenn

Habang nagtatalo sa hilaan ang dalawa ay napalakas ata ang hila ni Kenn kay Gyl kaya na-out balance ang dalawaat naunang natumba sa buhanginan si Kenn at napaibabaw naman si Gyl sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa

"Baks nasaan ka na? Omaygggg!!! Anong ginagawa niyong dalawa?" nagmamadali at tarantang sabi ni Tory

Nang marinig nilang dalawa yun ay agad naman silang umayos na dalawa

"Ikaw kasi napakakulit mo, ayan tuloy may mga buhangin na tayong dalawa" saad ni Gyl habang nagpapagpagng buhanging napunta sa damit nila

"Napalakas ata ang hila ko sa iyo. Sorry ikaw kasi minsan lang akong mag-aya sa iyo ayaw mo naman" katwirang sabi ni Kenn

"Hoy kayong dalawa ano yun? Ha? Buti na lang wala dito yung iba nating kasama mamaya kung anong isipin nila" singit na sabi ni Tory

"Sorry na Tory ako talaga itong may kasalanan. Oh siya maiwan ko na nga kayong dalawa" saad ni Kenn

Nakatingin lang naman yung dalawa sa papaalis na Kenn at naiwan silang dalawa

"Huy baks ano yun? Ha?" Tory

"Wala yun noh ka ba, mali na naman yang iniisip mo. Na-out balance lang kaming dalawa kasi ang kulit niya niyayaya niya pumunta dun sa dagat. Eh ayun hinila niya ako at yun na yun" Gyl

"Hay naku. Baka mamaya may di kayo sinasabi sa akin" Tory

"Dumi ka kamo ng utak mo, wala nga yun" Gyl

"Baks ang akin lang naman is pinagbilin ka ni Sir Cevi sa akin" Tory

"Baks ako na ang bahalang magkwento nun sa kanya okay" Gyl






Gyl's PoV

"At love nga pala ano pang kulang sa tingin mo?" saad ni Cevi

Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko si Cevi. Ano ba ito kasing naiisip ko naman, oo

"Love ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap di ka naman ata nakikinig. May problema ba?" saad ni Cevi

Napasapo na lang din ako ng mukha bago muling magsalita

"Sorry Love. Ano nga ulit sabi mo? Sorry talaga" sabi ko

"Okay sige, ulitin ko na lang. Ang sabi ko ano pang kulang sa maleta nang mailagay na natin or mabili?" sabi ni Cevi

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now