Chapter 62

120 7 0
                                    

Masaya ako kasi kahit papaano may mga kaibigan akong higher year. Yun nga lang malapit na silang grumaduate, malungkot man pero masaya pa rin ako. Mamimiss ko sila. SKL








Cevi's PoV
Andito kami ngayon ni Gyl sa Japan. Like what I've said, kailangan naming pumunta dito to celebrate our first monthsary and my birthday. Nung una nga ayaw niyang pumayag sa akin at nagtalo kami

3 days na ang nakalipas nang malaman ko ang tungkol sa picture na nakita ko



FLASHBACK




Andito ako ngayon sa office ko at di ko man lang nakausap si Gyl kagabi about dun sa picture. I try to call and text her pero di niya sinasagot. Ano na naman kayang problema nun?

30 mins na ako dito sa office nang biglang may kumatok

"Come in" saad ko

Niluwa naman nito si Jurie

"Ah Sir andyan po sa baba si Ms. Gyl. Papatuluyin ko po ba siya rito or kayo na lang ho ang bababa?" tanong ni Jurie

Oh? Buti naman at naisipan niyang pumunta rito para kausapin ako

"Gusto kong magpahinga Jurie kaya siya na lang papuntahin mo rito" utos na sabi ko

Tumango na lamang si Jurie sa akin saka umalis rito sa office. Napasapo na lang ako ng ulo nang ngayong alam kong andito si Gyl

Ilang sandali pa ay dumating na si Gyl. Oo kahit di ako tumingin alam kong siya yun mula sa pabangong naamoy ko

"Ah what brings you here? Buti naman at nadalaw ka dito" sabi ko

"Ah.. Sorry na, medyo busy kasi ako" sagot niya

Busy nga ba talaga siya? O sadyang nakalimutan niya na may BF siyang nag-aalala sa kanya

"Busy? Seriously?" out of nowhere na tanong ko sa kanya

Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin, tumitig pa nga eh

"Oo naman. Anong akala mo sa akin? Wala naman na akong ibang pinagkaka-abalahan" sagot niya

"Oh? Nag-aalala na ako sa iyo. You didn't answer everytime I call you, I text you" inis na sabi ko

"Te.. Teka.. Galit ka ba?" tanong niya sa akin

"Just explain" kalmadong sabi ko

"Yah! I didn't answer your calls and texts because believe me or not, bawal na ang cellphone sa trabaho namin. We surrender it to Tito Lyric. Oo rereplyan kita kaya lang anong oras na yun, at alam kong busy ka, nagpapahinga ka na kaya ayaw kong maka-isturbo" mahabang sagot ni Gyl

Natagpuan kong nagpupunas na siya ng luha niya. Mababaw lang kasi ang luha niyang si Gyl eh

"Yan na ba talaga ang tingin mo? Isturbo ka sa akin? Kahit kailan Gyl di ka naging isturbo sa akin, mahalaga ka sa akin. Di ko lang maiwasang mag-alala sa iyo kasi BF mo ako. Gusto ko lang naman malaman na kung okay ka lang, kumain ka na ba? Pagod ka na ba sa trabaho? Pwede namang magpahinga sandali" sabi ko

"I'm sorry.. I'm really really sorry.. Di ko alam kung paano makakabawi sa iyo" saad niya sabay punas ng luha niya

"And last time, mas lalo akong na-confused nagpost kasi si Sir Lyric together with you and the guy that is not familiar to me. So sino yun Gyl?" sabi ko

"Ah.. About that picture that was Kenn Drew Hamilton. At ex ko siya but please believed me di ko siya kinakausap kasi alam kong magagalit ka" saad niya

Ex niya? They are working in the same place? Mas lalo akong kinakabahan sa mga susunod na mangyayari lalo na ngayon na alam ko na kung sino yun

"Maniwala ka naman Cevi oh" saad niya

I Love The Way You Are Donde viven las historias. Descúbrelo ahora