Chapter 13

245 11 0
                                    

Ang kalimutan ang mga problema ay nakakatulong para gumaan ang pakiramdam mo galing sa sakit at poot na naranasan mo

#HugotMemeNaBaIto??

Gyl's PoV
After ng driving trip ko na yun, nakarating na kami dito sa pond na sinasabi ko. Bumaba na rin siya at sinundan lang ako. Naupo lang ako sa damuhan bago pa makarating sa pinakapond ng lugar.

"Bakit mo naisipang dalhin ako dito?" cevi

Umupo din siya pero di siya tumabi sa akin

"Ah wala lang. Nararamdaman kita, ang gusto ko lang ay makatulong. Hmm, dito kasi ako nagpupunta kapag may problema ko. Sila lang tanging witness ko, sa bawat iyak ko, sila lang ang kasama ko" saad ko

Halatang nakikinig siya, tinignan ko siya at malayo na naman ang tingin niya, mga ilang saglit pa ay nagsalita siya habang nakatingin pa din sa malayo

"Hmm, buti ka pa. Ako kasi,kapag may problema ko, tanging drawings lang at alak lang mga witness ko. Ngayon lang ako naka-experince ng ganito, yung tahimik lang" saad ni cevi

"Para sa akin mas nakakatulong sila makalimot agad ng problema. Tignan mo lang sila, parang may sinasabi na rin sila sa iyo" saad ko

Mga ilang saglit pa ay napansin kong kumukuha siya ng mga pics nung lugar

"Bakit pinipicturan mo sila?" tanong ko

"Hmm, wala namang masama diba, tsaka payag naman sila na kuhaan ko sila ng picture" saad niya habang nagtetake pa rin ng pic

"I mean para saan?" sambit ko

"Hmm, creating new memories, siguro nga nakalimutan ko na ang mga masasaklap na pangyayari" cevi

"Buti naman. Tama yan. Basta, balik ka lang dito kung may problema ka" saad ko

"Salamat gyl at nadala mo ako dito" cevi

"Wala yun" saad ko

Mga ilang saglit pa ay natapos na siya sa kakakuha niya ng pics

"Mukhang madaming pics ang nakuha mo ah" saad ko

"Hmm, ok lang naman diba? Tsaka tignan mo sila oh, nakangiti sila" saad ni cevi

Yan.. Yan ang gusto ko sa iyo cevi. Walang problemang iniisip. Buti na lang at pinayagan mo akong dalhin kita dito

"Hmm, masaya sila kasi nakita nilang masaya ka" saad ko

"Tama ka" cevi

Mga ilang saglit pa ay tumayo ako at lumapit sa kanya.

"May mas masaya pa dito" saad ko

Hinawakan ko siya. Sa pangalawang pagkakataon na mahawakan ko ang palad niya, ramdam kong kumapit na rin siya sa kamay ko. Nagpunta lang naman kami sa isang bridge dito kung saan makikita mo ang mga isda. Eto yung pond na sinsabi ko. Mga ilang saglit pa ay bumitaw siya sa akin

"It's a nice place gyl. Paradise actually" cevi

"Sabi ko sa iyo ei. Sama ka lang sa akin, marami kang madidiscover" saad ko

"Ah talaga?" cevi

"Ewan ko sa iyo" saad ko

Nilabas na naman niya yung cp niys at nagtake na naman ng mga pic

"Hey gyl, say cheese" saad niya

Tumingin ako sa cp niya at nagselfie kami together. First pic namin yun together ah.

"Thank you gyl" cevi

"Ok lang yun, kanina ka pa thank you ng thank you" saad ko

"Dapat lang, kasi mabait ka" cevi

Ewan ko sa iyo cevi. Pero salamat din sa iyo kasi nakakilala ako ng tao na katulad mo. Hindi ko alam na photographer din pala itong baklang ito. Kanina pa picute ng picture. Natutuwa lang ako kasi masaya siya, hindi kagaya kanina na matamlay,akala mo nalugi ei.

Cevi's PoV
Akala ko buong araw na akong ganun, maraming iniisip pero akala lang pala. Nagpapapasalamat ako kay gyl kasi nadala niya ako sa lugar kung saan marami kang matutuklasan. Sinama niya ako rito, at bago para sa akin ito. Hanggang ngayon andito pa rin kami sa pond.

"Gyl" tawag ko sa kanya

"Hmm bakit?" gyl

"Di ka pa ba hinahanap sa inyo?" tanong ko

"Di naman, nagpaalam ako kay dad tsaka sinabi ko kay dad na ikaw ang kasama ko" gyl

Pinagmamasdan lang namin ang buong lugar,ang ganda talaga dito. Pero naalala ko kanina nung hinawakan niya ang palad ko, dalawang beses yun,nagulat nga ako kasi kusang kumapit sa kanya ang kamay ko. Kakaloka

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko

Malayo ang tingin niya. Parang may something

"Wala naman, bago rin kasi sa akin ito. First time king magdala ng special na tao dito sa special place na ito. Salamat ah, kasi pinayagan mo akong dalhin kita rito" gyl

Tumingin siya sa akin at tumingin rin ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa pero this time hindi ako umiwas. Di ko alam kung anong sapi meron sa babaeng ito. After ng titigang yun, siya ang umiwas at binaling ang tingin sa cp niya, mukhang may nagtext ata

"Si ate andie, hinahanap ka. Pero sinabi kong magkasama tayo" gyl

"Ah, bakit di sa akin tumawag or nagtext man lang?" tanong ko

"Di ko alam" maikling saad ni gyl

Binaling ko ang tingin sa relo ko. Ang tagal na pala namin dito. This time ako naman ang humila sa kanya papuntang sasakyan. Gusto kong magcelebrate, at itreat siya sa cafe ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya

Nasa sasakyan na kami at sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ko

"Gusto kong magcelebrate" sagot ko

"Ha? Di ko gets" gyl

"Huwag na kasing maraming tanong. Ako nga kanina, hinayaan ka lang tapos ikaw" saad ko

"Arte mo naman. Kahit kailan talaga ang hilig mong magtago" gyl

"Dapat lang, hindi naman lahat ng bagay dapat pinapakita mo ano. Privacy, that's the right term" sagot ko

Hindi na siya sumagot at binaling na lang ang tingin sa labas. Mga ilang saglit pa ay narating na namin ang cafe ko. Nagpreserve ako ng place,yung para sa aming dalawa lang. Wala siyang imik hanggang sa nakarating kami sa pinareserve kong part ng cafe ko. Nasa 2nd floor kami at walang usap na nagaganap. Nangangawit na ang mama niyo kaya ako na ang unang nagsalita

"Hmm, wala ka bang balak na magsalita? Baka mapanis laway mo nyan" saad ko

Napansin kong ngumiti siya

"Puro ka talaga kalokohan" gyl

"Sa wakas, nagsalita ka rin. Di ka pa nagugutom? Sayang naman ito" saad ko

"Hmm, meron naman. Salamat dito ah, so let's start" gyl

Siya pa talaga nagyaya ah. Pero ok lang yan. Nagserve ang cafe ko nung concept niya na doodle cake. Mga ilang saglit pa ay natapos na kami pero andito pa kami

"Salamat dito ah, ansarap ng pagkain" gyl

"Thank you at naappreciate mo itong cafe ko" saad ko

"Walang anuman, so pwede na ba tayong umuwi?" gyl

"Pwede naman. Thank you for making my day complete" saad ko

"Welcome. Basta balik tayo dun ah" gyl

Tumango ako at lumabas na kami sa cafe ko. Dumiretso kami sa bahay nila kasi hinatid ko siya, di naman ako nagtagal sa kanila. After nun, umuwi na ako at nagpahinga



Author's Note: Sorry po sa late update, hope you understand guys. GOD Bless you more guys.






I Love The Way You Are Where stories live. Discover now