Chapter 16

231 9 0
                                    

Ang paglikha ng mga bagong ala-ala ay mas masaya kesa sa nakaraan, kaya nagawa mo ngang kalimutan ang sakit na yung napagdaanan.

Gyl's PoV
Maaga akong nagising para maghanda ng almusal namin ni bakla at para na rin matext si dad. Siguro kape at tinapay na lang ang i-prepare ko. Tama! Yun na lang!

Habang hinahanda ko yun, tinext ko muna si dad baka kasi magalit yun. After ko siyang maitext, bumalik ako sa kwarto ni bakla, dala ang gamot at tubig para mawala hangover niya. Pinatong ko muna yun tsaka ginising siya

"Hey cevi, gising na" saad ko

Niyuyugyog ko siya pero ayaw pa ring magising

"Naku cevi, wag mo akong ginaganyan. Iwanan kita dito" saad ko
Niyugyog ko ulit siya ng napakalakas. Sa pangalawang pagkakataon, nagising

Umangat siya sabay hawak sa ulo niya. Yan! Iinom-inom di naman kaya

"Anong nangyari kagabi?" tanong niya

"Ayun, nakalimutan agad. Hirap sa iyo kinakalimutan mo lahat ei" saad ko

"Ano ngang nangyari? Tsaka bakit andito ka sa kwarto ko?" tanong niya

"Hmm, nag-inom ka lang naman kagabi. Take note, ikaw ang nagpapunta sa akin dito" saad ko

"Alam ko na ako ang nagpapunta sa iyo dito, pero bakit andito ka sa kwarto ko?" sambit niya

"May sakit ka na ba sa pag-iisip? Hmm, ayaw mo akong paalisin kagabi kaya dito ako natulog" saad ko

"Ano? Dito ka natulog? Teka, may nangyari ba..." saad niya

Tinignan niya yung damit niya tsaka binaling ulit ang tingin sa akin

"Sinasabi ko na nga ba, anong ginawa mo sa akin kagabi?" saad ko

"Pinalitan ko lang yang damit mo, wag kang OA tsaka di rin naman ako tumabi sa iyo noh" saad ko

"Kahit na, ikaw pa rin nagpalit ng damit ko, nakita mo yung ano ko... Naku, panagutan mo ako" birong sabi niya

"Excuse me, di ko rin naman pagnanasaan yang katawan mo ano, kapal ng mukha mo" saad ko

"Sus, siguro nagpipigil ka lang kaya nasabi mo yan" saad niya

"Ay, kapal talaga.. Buti nga may care sa iyo yung tao, tapos di pa nagpapasalamat" saad ko

"Wow, sino ba kasing nagsabi sa iyo na gawin ang mga bagay na yun?" saad niya

"Ang galing, ako pa kinokonsensya mo ngayon? Grabe, grabe" saad ko

"Ewan ko sa iyo. Naku, panagutan mo ako" sabi niya

Saglit na tumahimik ang paligid. Eto ako naka-upo sa sofa kung saan dito ako natulog. Tumayo ako para iabot ang gamot niya, mah care din naman ako sa kanya

"Saan ka pupunta?" cevi

"Oh, inumin mo yan, para mawala yang hangover mo" saad ko

Tinanggap naman niya yung gamot na binigay ko

"Andyan lang ako sa baba baka hanapin mo ako" saad ko

Tuluyan na nga akong nagtungo sa baba at kumain na lang tinapay at nagtimpla ng kape.

"Buti na lang talaga, di ako nag-iinom" saad ko sa sarili ko

"Ah talaga?" rinig kong saad ni cevi

Cevi's PoV
Rinig kong may gumigising sa akin kaya unti kong minulat ang mata ko, dahil na rin sa sakit ng ulo. Nakita ko agad si gyl. Ang bait lang talaga nitong si gyl, inaasar ko lang naman siya. Nainom ko na rin yung gamot na binigay niya sa akin. Nagtungo ako sa baba at naabutan ko siyang nag-aalmusal

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now