Chapter 20

242 6 0
                                    

Masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nakikita kita. Alam kong walang tayo pero alam ng puso ko na ikaw ang gusto nito.

Continuation...

Cevi's PoV
Pinark ko muna yung kotse bago magtungo sa Bar ni Jerius. After nun agad na akong nagtungo sa VIP room na pinareserve ni Jerius. Kumpleto na ang lahat ako na lang ata ang kulang.

"Buti naman nakarating ka" Jerius

"Pwede bang hindi ako pumunta? Ngayon na lang ulit ako nagganito" saad ko

"So let the party begin!!" sigaw ni andie

"WOOAAHH!!" sigaw ng lahat

Maingay. Amoy alak at sigarilyo ang maaamoy mo dito. Hindi pa ako lasing, parang di nga ako tinatamaan ng alak.

"Hey cevi.. Inom ka pa" saad ni Jaser

Inabot naman niya sa akin yung isang bote ng alak na yun

"Try mo yan Cevi, bago kong alak yan dito" Jerius

Agad ko namang ininom yun. Ang sarap ah. Bakit ba kasi ngayon niya lang kami niyaya

"Andie kailan ka dumating?" tanong ko

Alam ko kasing galing siya sa company niya sa US.

"Kahapon lang cevi, bakit namiss mo ako noh sis?" Andie

"Kapal mo ah" saad ko

Nagtawanan lang naman yung mga kasama namin

"Talaga ba Cevi?" Sam

Si Sam gf ni Jerius. Business is Life din ito kaya nagustuhan siya ni Jerius. Ako kaya Gyl? Kailan mo kaya magugustuhan? Ha?  Anong nangyayari sa iyo Cevi? Speaking of Gyl, tagal ko na siyang di nakikita ah

"Sam alam mo, may bf yang si Andie.. Sadyang nagkakagusto lang kami niyang sis ko" saad ko

"K fine!" Sam

Inirapan niya lang ako. Sama talaga nito. Nakakailang shot na ako pero wala pa rin talagang epekto.

"Ano ba naman itong alak mo Jerius, di ako tinatamaan?" saad ko

"Wait wait ka lang.. Baka natakot sa iyo" Jerius

"Hahahaha" saad ng mga kasama namin

11 pm na pero andito pa rin kami sa Bar ni Jerius. Ang saya saya lang kasi ngayon lang ako ulit nagganto. Parang di pa kami tinatamaan. Buti naman kung ganun, normal pa ang lahat kahit si Andie at Sam

"Jerius niyaya mo ba si Kisha?" Sam

Bigla namang dumating si Kisha. Ano naman ang kailangan niya sa akin? Bigla naman siyang lumapit sa akin

"Kisha, ano ba?" Andie

"Cevi, kailangan nating mag-usap" saad ni Kisha sabay hila niya sa akin palabas dito sa room na ito

"Ano bang problema mo?" galit na tanong ko

"Ikaw.. Ikaw ang problema ko kasama si Gyl.. Kayong dalawa.. Ano bamg meron sa inyong dalawa?" Kisha

Ginagalit ata ako nitong babaeng ito.

"Anong problema mo sa amin ni Gyl? Alam mo namang may kami diba! Alam mo tumigil ka na sa kakadikit sa akin at alam mong wala kang mapapala sa akin.. Kaya pwede ba Kisha tumigil ka na?" matapang na saad ko

"Ganyan ka na ba talaga ngayon Cevi? Di mo man lang sinubukan ang mahalin ako? Kailan lang kayo nagkakilala nung Gyl na yun?" Kisha

"Pwede ba Kisha, walang masamang ginagawa sa iyo si Gyl. Paano ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw ko.. Mahal ko si Gyl. Mahal na mahal" saad ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now