Chapter 59

152 4 0
                                    

Bakit ganun? Minsan gusto ko na lang maging panaginip ang lahat?

Baliw na naman po ang author ninyo





Aries's PoV
Hello guys. Salamat sa PoV author. Ah ako nga pala si Aries Castillo kaibigan ni Gyl. Pamangkin nga pala ako ni Mrs. Amadea.

Masyado kaming close ni Gyl, akala daw ng kuya niya, boyfriend ako ni Gyl. Pero masaya naman ako para sa buhay pag-ibig niya. Ayos lang naman sa akin kung hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin, oo masakit pero unti-unti namang nawawala dahil mas nakikita ko siyang masaya pag kasama si Sir Cevi. Pero sabi ko nga kay Gyl kung may problema siya, malalapitan niya ako

Oo isa nga rin pala ako sa mga na-promote sa trabaho. Pero mas mataas na ang position ni Gyl ngayon

Isa akong OSI(Officer Senior Investigator) kasama si Joerald at Tory

Kami ang nag-iimbestiga sa mga suspek sa isang krimen. Nakaka-kaba man pero ayos lang, kasama naman sa trabaho yun

"Aries, Joerald at Tory, break muna" saad ni Sir Lyric

"Yes Sir" sabay na sagot naming tatlo

Lumabas na nga kami sa silid na yun at nagtungo sa kainan malapit dito.

"Oh guys, tignan niyo ito, napapanood na natin yung commercial nina Gyl at Sir Cevi oh" saad ni Tory

Ipinakita niya sa amin ang commercial nina Gyl. Sobrang saya lang. Kaya nga wala siya kasi may bago na naman silang endorsement. Hindi ko alam kung kailan balik nun

"Oh, titig na titig Aries ah. Alalay sa damdamin" makahulugang sabi ni Joerald

Saglit pa akong tinusok sa tagiliran nitong si Tory

"Alam niyo grabe yang mga naiisip niyo. Tumigil nga kayo, magkaibigan kami ni Gyl, yun na yun" sabi ko

"Talaga ba?" malokong tanong ni Tory

"Oo nga ang kulit. Alam niyo kung anuman yang naiisip niyo, nagkakamali kayo alam niyo ng may jowa yung tao tapos ganyan kayo" sagot ko

"Halla grabe siya. Oh sige na sige na, ito naman. Tara na nga nagugutom na ako" sabi naman ni Joerald

Nagtungo na nga kami sa kainan malapit rito

"Hello Gyl, kamusta kayo dyan?" saad ni Tory

Nag-video call kasi si Gyl kaya ito ang ingay ingay na naman ni Tory

"Ayos lang naman kami dito. Pinapatawag nga kami ng media bukas eh, interview daw about sa pangalawang endorsement namin" sagot ni Gyl

"Kaya niyo yan. Kayo pa ba" saad ni Joerald

"Oo nga Gyl tsaka kasama mo naman si Sir Cevi eh" sabi ni Tory

Pansin kong tumango naman si Gyl mula sa phone ni Tory. Bigla namang sumulpot si Sir Cevi at kumaway sa amin

"Oh sino yung katabi mo dyan Tory?" dagdag na tanong pa ni Gyl

Napatingin naman sa akin si Tory saka ngumiti

"Ah beks si Aries ito. Ayaw niyang magpakita, takot sa camera eh" sabi ni Tory

"Hoy, ano ba yang sinasabi mo?" bulong na sabi ko

"Bakit daw? Itapat mo nga sa kanya beks, kausapin ko" rinig kong sabi ni Gyl

Nagulat na lang ako na nasa harp ko na pala yung phone ni Tory. Pilit kong ngumiti kahit papaano, mamaya magtampo pa yang bestfriend ni Tory. Kumaway ako pabalik nang kumaway si Gyl sa akin

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now