Chapter 56

149 4 0
                                    

Comparing to others would be the painful thing for me

Sobrang sakit kaya. Grabe, yung mga mali ang tinitignan at hindi ang mga tamang nagawa mo. Aminin, ang daming taong ganito. Hindi po nakakatuwa, nakakasakit ng damdamin at kalooban







Cevi's PoV
It's already pass 10 in the morning nang magstart ang event dito sa Headquarters nina Gyl. Hindi man ganun karami ang tao rito, mukhang mga kamag-anak ng mga nagtatrabaho rito. Nasa 100 ang mga applicants dito kabilang na sina Gyl at ang mga kaibigan niya. Nasa 150 naman ang mga nag-aapply. Sabi ni Gyl iba raw ang HQ ng mga new applicants kaya wala sila rito

"Today, would be there memorable day. Ah di ko pa ata nasasabi na 3 kasi sila ang napromote. Dahil na rin sa performance nila sa trabaho at kagalingan sa mga task na ipinagagawa ko. Bilang Crime Inspector, dapat mausisa ka at walang takot, yan mga karakter ang nakita ko sa kanila kaya nagsagawa ako ng promotion para yung ibang posisyon, mamotivate para mapromote din. Okay so di ko na papatagalin, gusto kong tawagin si Gyl Aria Gonzaga ang aking pamangkin na samahan ako rito sa stage. Isa po siya sa mga napromote sa trabaho. Okay, so let's give her a big round of applause. Please welcome OSI(Officer Senior Inspector) Gyl Aria Gonzaga" saad ng Tito Lyric niya

Tumayo kaming lahat na narito at pumalakpak para kay Gyl. Siguro required sa kanila ang sumaludo sa mga nakakataas sa kanila. Sobrang proud talaga ako sa kanya kasi kahit mas iniisip niya ang kompanya nila, hindi niya pa rin nakakaligtaan ang trabaho rito sa HQ

"Ah magandang umaga po sa ating lahat ng naririto. Gusto po munang magpasalamat kay Sir/Tito Lyric dahil sa promotiong binigay niya sa akin. Oo alam ko sa sarili ko na ang dami kong excuses nitong nakaraang buwan pero Tito salamat po kasi mas nagbase po kayo sa ugali sa trabaho. Salamat po talaga ng marami tito. Ipapangako ko po na mas pagbubutihin ko pa po ang trabaho ko. Pangalawa, gusto kong magpasalamat sa pamilya at magulang ko na narito. Dad,  Ma maraming salamat po sa suporta na lagi niyong binibigay at pinaparamdam niyo sa akin. Gayundin sa mga kasamahan ko sa trabaho, kaibigan ko rin kayo, alam niyo yan. Salamat sa suporta niyo at congrats din sa mga kasama kong napromote. And lastly, gusto kong pasalamatan ang isang taong walang sawang sumusuporta sa akin, ang taong sobrang malapit at sobrang espesyal sa akin. Wala siyang ibang inintindi kundi ang maging maayos ang lahat. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang Boyfriend ko na si Cevi Jackson Borja, Mr. Borja, salamat sa iyo ah dahil lagi kang andyan para suportahan ako, hinahayaan mo ako sa mga gusto ko pero andyan ka pa rin at tumutulong sa akin pag may mali ako. Salamat talaga sa iyo ng sobra. Mahal na mahal kita alam mo yan. Salamat sa iyo talaga" saad ni Gyl sabay ngiti sa akin

Sobrang lumakas ang hiyawan ng mga tao rito sa HQ dahil sa sinabi ni Gyl. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Nakakatuwa yung mga tao, pumapalakpak na sumisigaw pa. Sa mga oras na ito nakaramdam na ako ng hiya.

"Muli po. Maraming maraming salamat sa inyo na naririto" huling sabi ni Gyl bago bumaba ng stage

Muli kaming nagpalakpakan para sa kanya. Bago siya tuluyang nakababa sa stage ay niyakap pa siya ng Tito niya. Deserve naman talaga niya na ma-promote sa trabaho eh.

After nun ay nagsalita rin ang mga kasamahan ni Gyl sa trabaho na napromote. Makalipas ang 40 mins ay lumapit na pwesto namin si Gyl. Sinalubong ko siya ng isang warm hug

"Congratulations. Sobrang proud ako sa iyo" sabi ko sa gitna ng aming yakap

"Thank you" saad niya sabay subsob ng mukha niya sa dibdib ko

After nun ay bumitaw na siya sa yakap na yun saka tinitigan niya ako at pinisil ang pisngi ko

"Nakakagigil ka" sabi niya

I Love The Way You Are Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu