Chapter 76 Unexpected Rendezvous

94 5 0
                                    

Ang haba ng title diba. Sorry naman daw. Hihihi basta, maganda ito promise




Mabilis lumipas ang araw. Ito na nga ang araw na hinihintay ni Jammer dahil sa wakas makakabalik na siya sa Italy para hindi sa business, kung hindi para sa vacation nila ng kanyang magulang kasama si Gyl.

Pabyahe na nga sila at nakasakay na sila sa eroplano papuntang Italy. Magkatabi ang magpinsan sa eroplano at si Gyl ang nakapwesto sa bintana

"Wuy cous, ayos ka lang?" may pag-alalang tanong ni Jammer

"Oo ayos lang ako, huwag kang mag-alala sa akin" sagot naman ni Gyl

Pero ang totoo niyan, naalala niya lang yung time na nasa eroplano din sila noon ni Cevi. Takot kasi si Gyl nun kaya naman hinawakan lang ni Cevi ang kamay niya

"May naalala lang ako" sabi ni Gyl

"Hmm, sino yan cous?" tanong ni Jammer

"Ay ang chismoso ni cous" saad ni Gyl

"Madamot ka lang kamo" natatawang sabi ni Jammer

"Ewan ko sa iyo" saad ni Gyl sabay baling ng tingin sa bintana kung saan nasaan ang mga ulap












Nagising naman si Gyl dahil sa malalim na boses ng piloto. Mga ilang sandali pa ay nakaland na sila sa airport

"Cous bakit di niyo kasama si Gianne?" tanong ni Gyl

"Ah nagvacation din kasi sila ng parents niya pero sa New York" sagot naman ni Jammer

Tumango na lang si Gyl kay Jammer. Mga ilang sandali pa ay nakababa na silang apat at naghihintay ng sasakyan papunta sa hotel nila

Mga ilang sandali pa ay nakarating na nga sina Gyl sa hotel na pagtutuluyan nila.

"Oh be ready tomorrow, bukas tayo gagala" saad ni Lyric

"Nice! Thanks Dad" saad naman ni Jammer

Malaki ang hotel na ito. Tatlo ang kwarto kaya naman sina Jammer at Gyl ay sarili ang kwarto at si Lyric at Tanya naman ay magkasama. Mga ilang sandali pa ay pumasok na si Gyl sa kwarto niya upang makapagpahinga. Mga ilanh sandali pa ay nag-VC si Tory sa kanya

"Hi beks, oh alam mo na yung pasalubong ko ah" saad ni Tory

"Oo na, oo na.. Ito naman" saad ni Gyl

"Salamat beks, mag-iingat ka dyan ah. Tsaka baka makita mo si Cole, magpicture kayo ng marami ha" sabi ni Tory

"Oo mag-iingat talaga ako. Pero teka anong magpipicture? Close ba kami nun? Tsaka di naman makapal mukha ko noh" sabi naman ni Gyl

"Ay grabe siya oh, basta pag nakita mo siya, sabihin mo fan ka niya. Yiiee para makapagpapicture ka" kinikilig na sabi ni Tory

"Oo na. Kung yan ay magkikita kami. Oh ikaw din, mag-ingat ka dyan. Huwag na kayong magbabangayan ni Joerald, tutuktukan ko na talaga kayo" may pagbabantang sabi ni Gyl

"Hmm, oo na po. Oh siya, ba-bye na. Lab you" saad ni Tory

"Lab you din. Ba-bye" saad naman ni Gyl

Pagkatapos ng VC nila ni Tory ay nilapag na ni Gyl ang phone niya sa side table at para na rin makapagpahinga na siya























Cole's PoV
Andito ako ngayon sa office ko, tutal wala naman akong ganap today kaya naisipan kong dumito muna ako baka mamaya kasi sabihin ni Mr. Wilkerson ang tamad tamad ko diba, nakakahiya din.

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now