Chapter 64 Special To Me

130 5 0
                                    

It's better to wait than to hope. Kasi mas masakit ang umasa kaysa ang maghintay





Cevi's PoV
After 3 days vacation namin ni Gyl sa Japan ay nakabalik na kami dito sa Pilipinas para naman sa birthday ko. Ngayong araw pala yun. Nagpapasalamat ako kay Papa God sa panibagong taon na binigay niya sa akin. Nagpapasalamat rin ako sa kanya dahil kahit di ko kapiling ang pamilya ko, andyan naman ang mga kaibigan ko at lalo na si Gyl

Hay! 43 ka na Cevi, pero wala pa ring kupas ang iyong kagandahan at kagwapuhan. Charoot! Vaklang tooo

Andito pa ako sa condo ko dahil maaga pa naman para pumasok sa company. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-open ng account sa IG. Parang magha-hang na itong phone dahil sunod-sunod ang notifs na natanggap ko. Nagpost na lang ako ng picture ko para mapasalamatan silang lahat, di ko naman kayang isa-isahin sila noh

@CJBorja "I'm 43 now. So thank you for your greetings guys. I love y'all. God Bless 💕"

Tanging yan na lang ang kinaption ko sa post ko. Hay naku, agad na rin akong nag-exit sa IG at nagtungo naman sa twitter at ganun din ang ginawa ko

@JacksonBorja "Maybe you didn't know my age, so thank you for your greetings. Love y'all. God Bless 💕"

Inexit ko na rin agad yun dahil alam kong puro bati ang mababasa ko. Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat pero di ko na mabasa sa sobrang dami. Kahit texts and emails mula sa aking katrabaho. Huuuu flood greets tayo ngayon CJ ha.

Mga ilang sandali pa ay agad na rin akong nag-ayos para maagang makapasok sa company. Pero sana mabati din ako ng pinakamamahal ko, baka kasi nakalimutan niya pero huwag sana

Writer's PoV

"So guys ready na.. Malapit na Sir Cevi, okay" saad ni Jurie

Agad na kumilos anh lahat para sa surpresang hinanda nila sa boss nila

"Guys.. Si Sir Cevi andyan na, ready ha" Vielle

Nakarating naman ng safe si Cevi sa company niya at nagulat siya sa nakita niya. Puro decorations kasi ang nakita niya.

"HAPPY BIRTHDAY SIR CEVI" bati ng staffs and crews ng company ni Cevi

Nagulat man siya pero agad na gumuhit ang ngiti sa labi niya. With matching confetti pa yun

"Salamat sa inyong lahat. Nagulat ako dito ah. Thank you guys" saad ni Cevi

"Make a wish Sir" saad naman nung isang staff

Nakaharap na kay Cevi ang cakes kaya agad din naman niyang pinikit ang mata niya at nagwish.

"Ayun oh" sabi nung isa

"Ang daya ni Sir, di sinabi yung wish" sabi ni Vielle

"Oh siya.. Back to work na at mamaya libre na ang lunch dito" sabi ni Cevi

Nagpalakpakan naman ang lahat at nagsigawan pa. After ng kaganapang yun ay balik sa normal ang lahat at si Cevi ay nagtungo na sa office niya

"Sir siya nga po pala, kailan niyo daw po balak sumama kina Sir Keizer sa L. A. para sa business niyo po?" sabi ni Jurie

"Pakisabi di ko pa nakikita ang sched ko for this week pero kung may bakante why not" sagot ni Cevi

"Noted Sir.. Oo nga po pala, may meeting po kayo ngayon kay Ms. Amadea and Mr. Jerius" saad ni Jurie

"Okay Jurie. Salamat" sabi ni Cevi

Agad na ring umalis si Jurie sa office ni Cevi. Habang hinihintay ang mga business partners niya ay nag-cp muna si Cevi

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon