Chapter 1

3.4K 221 103
                                    

Chapter 1

Stalker


"Ate! Dalian mo, mala-late na naman tayo e!" sigaw ni Cranleigh.

Nagmamadali kong itinali ang aking buhok at bumaba na sala kung nasaan ang aking kapatid. With arms crossed, nakasimangot niya akong hinintay sa dulo ng hagdan. I smiled at him, pero inis na iniwas niya ang kaniyang tingin.

"Tara na," iritado niyang sinabi at nauna nang tumungo sa front door.

I sighed and followed my little brother. Natigilan ako nang makita ang pag dungaw ni Mommy galing sa kusina.

"Hindi na ba kayo mag a-almusal?" tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Cranleigh.

"Hindi na po 'My. Matagal pa naman kumain itong si Ate, baka ma-late lang po kami." sinipat niya ako bago tuluyang lumabas ng pinto.

I sighed again. Ang aga-aga, ang init na agad ng ulo. I went closer to Mommy and kissed her cheeks before stepping out of the house, following Cranleigh.

We stopped at a waiting shed just outside the subdivision. Nilingon ko ang kapatid ko na abala sa kaniyang cellphone. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya upang silipin ang ginagawa niya rito ngunit mukhang napansin niya ang ginagawa ko kaya bigla niyang tinalikod ito. Kunot noo niya akong nilingon.

"Anong ginagawa mo?" he asked in a annoyed tone.

"Tinitignan ko lang kung ano 'yang pinagkaka-abalahan mo," I said innocently.

Umirap siya at lumayo ng kaunti sa 'kin. "Ewan ko sa 'yo Ate. Ayusin mo nga 'yang buhok mo, ang pangit!"

Sumimangot ako at nakangusong kinuha ang compact mirror na nasa bulsa ng palda ko. Napakurap-kurap ako nang makita ang sarili kong repleksyon. Totoo nga! Ang pangit talaga!

Dali-dali kong inalis ko ang tali upang ayusin ito. Ngunit hindi pa man ako nakakapag simulang ayusin ang buhok ko ay dumating na ang dyip. Wala akong nagawa kundi suklayin nalang ito gamit ang aking mga daliri bago sumunod sa kapatid ko na naunang sumakay.

Nasa magkabilang side kami ni Cran naupo dahil punuan na ito. Siya ang nagbayad para sa aming dalawa, kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng aking buhok habang nakatingin sa salamin na hawak ko.

"Bayad po,"

Nilingon ko ito, nasa side ko ang babae at nakalahad ang kaniyang kamay kung nasaan ang bayad niya. Matamis ang ngiti niya habang nakatingin sa aking gawi. Nilahad ko ang aking kamay at inabot ang bayad niya. Bigla itong sumimangot at tinignan ako ng masama bago lumingon sa iba.

Napataas ang kilay ko at napakurap-kurap. Grabe naman 'tong si Ate. Bakit kaya mainit ang ulo ng mga tao sa paligid ko ngayon?

Hindi ko nalang ito pinansin at inabot na ang bayad niya sa pasahero na mas malapit sa driver. Doon ko napansin ang ibang mga babae sa loob na puro nakangiti!

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang dahan-dahang yumuko. Why are they smiling like that? At bakit nakatingin silang lahat sa akin?!

I was already biting my lower lips, uncomfortable for all the attention directed to me. Then I heard the same woman on my side giggled. I slowly glanced at her and saw her looking at my direction. Nguli akong yumuko, mas lalong nag-init ang aking pisngi.

My eyes slowly drifted to the person on the other side, sitting next to me. Sandali akong napatitig sa mamahaling sapatos na suot nito bago nag angat ng tingin. Doon ko napagtantong... hindi ako, kundi ang katabi ko ang tinititigan ng ibang mga babaeng nakasakay.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now