Chapter 30

1.9K 91 50
                                    

Chapter 30

Deny


His thumb kept on drawing lines on the back of my hand. Ang marahan niyang hininga ay nangingiliti sa aking leeg. Bumaba ang mata ko doon at wala sa sariling tinitigan iyon habang pinoproseso ang mga sinabi niya.

"B-Bakit? Paanong..." naguguluhan kong naiusal.

I expected him to hate me kaya nga no'ng sinubukan kong mag-apply sa kompanya niya, iniisip ko na ni papasukin ay hindi niya ako pahihintulutan. Ngunit nagkamali ako. He let me work in his company. Heck, he even accepted me to be his new secretary!

I broke up with him. I hurt him. He experienced many hardships in the past because of me. I thought he despised me after everything. What is he saying now? He wants me back? Did I heard it correctly?

"Let's get back together." in a strained voice he whispered.

Kumunot ang aking noo. Nagsimula nang manlabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha. My heart is racing, feeling extremely happy. I feel euphoric! But my mind is still a mess refusing to believe what I heard.

Hinigit ko ang aking kamay mula sa kaniya. He feels vulnerable, when I pushed him ay nagpatiunod siya sa ginawa ko. Tinukod niya ulit ang kamay sa kama upang makabawi sa pagtulak ko.

He slowly raised his head and gave me a weary look. Sinubukan niyang kunin ulit ang kamay ko. Mabilis kong hinawi iyon.

"You were avoiding me, alam ko! Tapos ngayon..." I couldn't finish my words.

I don't even know why I'm saying this dahil sa totoo lang wala na akong pakielam sa mga ito simula nang marinig ko ang sinabi niya kanina. Maybe all of this is too sudden that my mind can't comprehend if it's really happening or I am just hallucinating. Worst, this might all be just a dream!

"May iba kang gusto. Ayokong ipilit ang sarili ko sa'yo kaya sinubukan kitang layuan," mahinahon niyang pag-amin.

His adam's apple moved. He swallowed hard and tried to hold my hand again. This time, I let him. Bumagsak ang mata ko doon at pinagmasdan ang maingat na paghawak niya sa kamay ko.

He sighed heavily and brushed his hair using his fingers. It became a bit messy but still look ridiculously good on him.

"I tried but..." his grip on my hand tightened. "Fuck! One simple message and now here I am again, asking for another chance."

Tila may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso matapos marinig ang kaniyang sinabi. Magkahalong pananantiya at pagsusumamo ang naaaninag ko sa mga mata niya. I equaled it with longing ones.

Ang hirap paniwalaan ng mga salita niya lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga nagawa ko sa kaniya noon. But the sincerity in his voice is too evident to be ignored.

Then again, do I still have a reason to doubt him? Nagawa na niyang talikuran ang lahat noon para sa akin. Ngayon siya pa ang lumalapit pagkatapos ng lahat.

Suminghap ako. Lahat ng negatibong ideya na sumasakop sa aking isipan ay pilit na isinantabi.

May dumaang sakit sa kaniya ng higitin ko ang aking kamay nguni't napalitan iyon ng pagkagulat ng umusog ako palapit at lumuhod sa kaniyang harapan.

I snaked my arm on his nape and pressed my lips on his. I closed my eyes as I kissed him passionately.

Nangatog ang tuhod ko ng suklian niya ang ginagawa kong paghalik ng higit pa. He put his hands on my waist for support, tila naramdaman ang panghihina ko.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now