Chapter 35

1.7K 90 64
                                    

Chapter 35

Call
  
  
 
"Are you sure?" I asked.

Sitting on one of the high chairs at the countertop, nilingon ko si Eliron na umupo sa katabing upuan ng akin. Nilapag niya ang kaniyang coat sa gilid ng lamesa at sinimulan nang itali ang necktie sa kaniyang leeg.

"I just need to check the site and see its progress. Have a little discussion with the engineers and architects there, that's all. Ayos lang kahit hindi kana sumama." he explained.

Ngumuso ako at tumango-tango.

I don't know how long we stayed up last night, recalling everything that happened to us while we were far from each other. Ayaw na niya sana iyong pagusapan pero pinilit ko siya. I want to know everything that happened while we were not together.

Napabangon ako sa gulat, dahil sa nalaman. Namilog ang mga mata ko at nilingon siya na nakahiga sa aking tabi.

"R-Really? When did you went to Bulacan?!" I asked, still shocked.

Hinila niya ako pahiga and made my head rest on his chest. Ang braso niya ay nakapulupot sa aking baywang, gaya ng pwesto namin kanina bago ako biglang bumangon.

"You were in your third year of college that time. I watched you go to your school." he said lazily.

Tumingala ako upang matignan siya. Tinagilid niya ang kaniyang ulo upang matignan din ako.

"You were stalking me!" I accused him.

He laughed. "No, I wasn't."

Naningkit ang mga mata ko, patuloy pa rin sa pagiisip na sinusundan nga niya ako. He chuckled and placed my head on his chest again.

"Okay, then. Kung hindi mo ako sinusundan. Bakit ka pumunta doon?" tanong ko, naghihinala pa rin.

"Maganda na ang takbo ng trabaho ko at patapos na din ang bahay natin noon..."

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. It hits me hard whenever I think that he still includes me in his plans even on the times when we're not together and after I left him that way.

Suminghap ako at ngumiti. I don't want to spoil the moment. Ako ang may gustong pagusapan ang mga ito. Baka ihinto pa niya pag umiyak ako.

Huminga ako ng malalim. "Kaya mo ako pinuntahan sa Bulacan, dahil maganda na ang trabaho mo at may bahay kana? Bakit? Ipagmamalaki mo sa'kin?"

"Yes,"

Napasinghap ako. Nakasimangot ko siyang sinipat. He laughed at my reaction.

"We have a house. Kaya na din kitang buhayin at bigyan ng magandang buhay. So, I thought of coming to you and ask you to be with me." he swallowed hard before he continued. "Gusto sana kitang yayaing magpakasal sa'kin."

Nalaglag ang panga ko sa gulat. My heart pounded hard. Napabangon ulit ako sa sobrang gulat.

"Nag-aaral pa ako, Ron!" giit ko.

Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin. "It's not like I won't let you continue your studies when we get married."

"Kahit na! I was just..." nag-isip ako bago nagpatuloy. "Twenty that time!"

"I know." he sighed heavily and looked back to me. "You're young and very passionate on studying and helping your family."

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. I looked down to my hand, kung nasaan ang singsing na isinuot niya sa akin kanina.

It's a rose gold colored ring with little diamonds on both side designed as a leaf, and the diamond in the middle looks like a flower.

He caressed it with his finger. "Kung sasama ka sa akin at papayag na magpakasal, I can help your family financially. Kung hindi mo kayang lumayo sa kanila para tumira sa bahay natin, I can look for a house near your place at doon tayo titira."

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now