Chapter 4

1.7K 183 50
                                    

Chapter 4

Baby
   
   
Bumugtong hininga ako kasabay nang pagsandal sa glass wall ng boutique na kinaroroonan ko ngayon.

Habang nakaupo sa maliit na couch nila rito. Ibinaba ko ang aking tingin sa aking cellphone na hawak ko ngayon at pinagmasdan ang numero ni Eliron na siya mismo ang nag save.

Kagabi paguwi ay iniisip ko kung ite-text ko ba siya nguni't sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya sa akin pagkatapos ilagay ang kaniyang numero sa aking cellphone ay umuurong agad ako sa pinaplano.

"In case you miss me again,"

Nag init ang pisngi ko. This is all your fault, Zaylee Ivana! Ang lakas ng loob mong gumawa ng kwento, you even made him look like a bad boyfriend na kayang tiisin ang girlfriend niya ng ganoon! Worse, nalaman niya pa ang mga yun!

Masama talaga ang pagsisinungaling, I should never do that again!

But, on the other side, I got his number because of that. Hindi ko nga lang alam kung papaano siya ite-text. Ano naman ang sasabihin ko? Ugh! I should've given my number to him too!

"Zay, I think this will look good on you," tawag ni Bea.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Itinapat niya sa katawan ko ang isang ash gray dress at tinitigan akong mabuti. Ngumiwi ako. The dress is really beautiful but, the back is too revealing. Nawala ang ngiti ng aking kaibigan nang makita ang pag ngiwi ko.

"It's too revealing, Bea," I commented.

"Likod lang naman! Besides, mahaba naman ang buhok mo, matatakpan din ang likod mo," she countered.

"Ano 'yan?"

Sabay kaming napalingon kay Nic. She's holding a few of dresses. Inilapag niya ang mga iyon sa malapit na couch at sinuri ang dress na hawak ni Bea. She grinned at her.

"It's beautiful!" aniya.

Umirap si Bea. "Yeah, it is. But, your bestfriend doesn't like it. Masyado daw 'revealing'," She said, quoting the last word using his fingers.

"Come on, Zaylee! You're almost eighteen yet, you still wear clothes that's for kids!" angal niya.

Kumunot ang noo ko at napayuko upang tignan ang sarili dahil sa sinabi niya. I'm wearing a plain white shirt na naka tuck-in sa pink pleated skirt, and a pair of white shoes. Does this look like clothes for kids?

Nilipat ko ang tingin sa suot ng aking mga kaibigan. Nicole is wearing an black off shoulder crop top, dark gray skinny jeans and a black boots. Meanwhile, Bea is wearing a white tube top, denim shorts and a cage black sandals. Ngumuso ako. Well, compare to them, I do look like a kid with these clothes.

Kinuha ko ang dress na hawak ni Bea, sumilay agad ang isang malaking ngiti sa kaniyang labi sa ginawa ko. Nagtaas naman ng kilay si Nic.

"You don't have to force yourself. We can look for another dress that you're more comfortable with," suhestiyon niya.

Umiling ako at pilit na ngumiti. Bea is right, maybe I should change the way I dress up. An image of Eliron's girl classmate flashed on my mind. I wonder how she dress up? Maybe this kind of dress is normal for her.

"I'll try it," sabi ko.

Tuwang-tuwa si Bea sa naging desisyon ko samantalang mukhang nag-aalangan naman si Nic. Tumungo na agad ako sa fitting room ng boutique upang isukat ang dress na pinili para sa 'kin.

I sighed. I knew it. Asiwang-asiwa ako nang maisuot na ang naturang dress. My whole bare back is showing at may kalaliman din sa harap nito, showing a bit of my cleavage. Nai-imagine ko na ang sarili na buong gabing aligaga dahil sa suot habang ang mga kaibigan ay nagsasaya sa graduation ball pag ito ang sinuot ko.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now