Chapter 5

1.6K 160 37
                                    

Chapter 5

Accusation
   
     
"Ano ba kayo?" Napahinto ako sa pagtawa dahil sa tanong ni Nic.

Nakaupo kami ngayon sa gilid ng soccer field ng eskwelahan, nagpapahinga matapos maglaro ng badminton. Pinapanood namin ngayon si Shane na kalaro si Dennis. Hindi namin mapigilan ang matawa dahil sa ginagawang pagpapahirap sa kaniya ni Shane.

Pinapahirapan siya nito gamit ang shuttlecock na hinahampas niya patungo sa magkabilang side ng court. Walang magawa si Dennis kundi takbuhin ang magkabilang sulok upang maabot iyon.

"Den, kaya pa?!" sigaw ng isa naming kaklase sabay tawa.

"Shut up!" hinihingal na sagot ni Dennis.

Nilingon ko si Nic at tinagilid ang aking ulo. "What do you mean?"

Tumaas ang isang kilay niya. "I'm talking about the UST boy! Ano na ba kayo?" tanong niya.

Tumaas na din ang kilay ko, at inosenteng ngumiti. "Friends?"

Umayos siya ng upo upang maharap ako. Nasa akin na ngayon ang buong atensyon niya. I did the same thing. I shifted towards her.

"Friends? Really? Do friends go on dates?" mataray niyang ani.

Hindi ako nakasagot. Napaisip ako sa tanong niyang iyon.

"Oh, come on, Zaylee! Ngayon ka palang nag-iisip? E ilang beses na nga kayong lumalabas!" angal niya.

Ngumuso ako sa sinabi niya. Masisisi niya ba ako kung ngayon ko lang naiisip ang tungkol diyan?

Simula nang unang "date" namin ni Eliron ay nasundan na ng nasundan. Umaapaw na tuwa ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami kahit halos paulit-ulit lamang ang aming ginagawa.

Kakain sa labas, mamamasiyal sa kung anong lugar na maisipan namin at minsan ay nanonood din kami ng cine pag hindi pa masyadong gabi. Alas kuwatro kasi kami lagi, at tuwing TWF lamang dahil gano'ng araw lang magkalapit ang uwian namin.

Sa sobrang galak na nararamdaman ko, hindi ko na magawang isipin kung ano na nga ang estado naming dalawa. And, I don't really want to think about something as serious as that for now. I'm fine of what we are right now.

"Magkaibigan lang kami, Nic." I smiled at her.

She rolled her eyes and looked back at our playing classmates. I heard her mumbled the word "whatever" before rolling her eyes once more.

Tinawanan ko na lamang iyon at bumalik sa panonood kanila Shane.

Matapos ang P.E. class namin, ay sandali kaming nagpalit ng damit bago tumungo sa canteen nang magka-ayaan.

Magkakasama kami nila Nic, Shane, Dennis, Renmark at, Bea.

Palarong binatukan ni Shane si Dennis.

"Hoy! Talo ka, libre mo 'ko!" utas niya.

Inis na hinimas ni Dennis ang parte ng ulo niya na binatukan ni Shane.

"Oo! Oo!" iritadong sagot nito.

"Sus! Ang sweet niyo naman tignan," pang-asar ni Bea.

Mataray na binalingan siya ni Shane. "Excuse me, may Ralph na ako 'no!"

Si Dennis naman ay umaktong nasusuka bilang reaksyon sa pahayag ni Bea. Nagtawanan kami ng bigla siyang hampasin ni Shane sa likod, dahilan para maubo siya.

Sumipol si Nic nang marating namin ang canteen. Kumapit siya sa aking braso at ini-nguso sa akin ang kung sino sa loob ng canteen. Nang lingunin ko ito ay nagtama ang mga mata namin ni Anthony. Nakapila siya sa counter. Hinila agad ako ni Nic palapit sa kaniya.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now