Chapter 34

1.6K 99 93
                                    

Chapter 34

Promise


I was still a bit dizzy when I woke up. Isang pasada ng aking mga mata sa lugar, agad kong napagtanto na nasa ospital ako. May mga aparato sa tabi lamang ng aking kinahihigaan.

"Thank goodness, she's awake!" narinig ko ang boses ng isang babae.

Bumaling ako sa kaliwa kung saan iyon narinig. The woman who entered the hall with Eliron's parents earlier looked at me with relief in her eyes. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Sinubukan kong bumangon nguni't lumala lamang ang pagkahilo. Ngayon ko lang napansin ang nurse na chine-check ako. Lumapit siya upang alalayan ako.

"Miss, mas mabuti po kung magpahinga pa kayo. Kailangan pa po kayong obserbahan at baka umatake ulit ang iyong allergy." banayad niyang sinabi.

Tumango ako at bumalik ulit sa pagkakahiga.

Remembering what happened before I fainted. Other than my grown fear for Kuja Falcutila, I already have a hunch that what I felt earlier was caused by my allergy.

The nurse told me that there might be something on the food that I ate earlier that caused my allergic reaction.

Kalagitnaan ng pagpapaliwanag ng nurse sa akin, pumasok ang babae kanina. She looks troubled but forced a smile when our eyes met.

"Maiwan ko po muna kayo. Babalikan ka po rito ni Doc." ani Nurse bago kami iwanan na dalawa ng babae.

Nananatili siyang nakatayo sa paanan ng kama. Pumikit ako, naiilang sa paninitig niya sa akin.

Tumikhim siya. "K-Kamusta ang pakiramdam mo?"

Dumilat ako at pinanood siya ngayong naglalakad na patungo sa silya sa gilid ko. Dahan-dahan siyang naupo doon.

Tumango ako. "I think I'm fine now." I said.

Yumuko siya at pinagsiklop ang kaniyang mga daliri. Bahagyang natakpan ang side ng kaniyang mukha ng maikli niyang buhok. She's a morena with sharp facial features, giving her a boyish vibe. Though her voice is sweet.

"Totoo ba ang sinabi ni Ate Alex. You're two timing Kuya Ron with Azekiel?" mariin niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat sa biglaang pag-iiba ng tono ng kaniyang boses. She's looking at me eagerly, waiting for my answer.

Dahan-dahan akong bumangon upang makausap siya ng maayos. Halatang naiirita siya sa pagkabitin ng kaniyang tanong nguni't inabot niya pa rin ako upang alalayan sa pag-upo.

"You're letting Azekiel court you while you're in a relationship with Kuya Ron." she added.

Bumaling ako sa kaniya. Hindi ko alam ang kaugnayan niya sa pamilya ni Ron, but the concern that she's showing right now is enough to make me feel nervous.

Tumango ako. "It's true. I'm in a relationship with Ron. Pero ang tungkol kay Azekiel..." umiling naman ako ngayon.

"Azekiel is not courting you then?"

Napaisip ako. He never said he is, but even if he is, tingin ko'y na-busted ko na rin siya indirectly noon pa.

"No..."

Suminghap ako ng makita ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Bumugtong hininga ako. Nakahinga ng maluwag. Masyado na akong nasanay na masama ang nagiging reaksyon ng mga tao tuwing nalalaman ang relasyon namin ni Eliron.

"So, Ate Alex is lying when she told us that?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumango.

She sighed and nodded.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now