Chapter 36

1.5K 87 161
                                    

Chapter 36

Brother
 
  
 
Umuwang ang aking labi at ang mga mata'y namimilog, gulat sa sinabi ni Mommy.

"Sinabi niyang magkikita kayo, kaya nagpumilit akong puntahan ka ngayon."

What?! Kuja Falcutila asked Mommy to let me marry her son? Si Eliron?! Hindi kapani-paniwala pero imposibleng magsinungaling si Mommy sa ganitong bagay. But, how can that happen? Kahapon lang ay galit na galit siya ng sugurin ako at sigawan, kulang na lang ay saktan niya ako! Tapos ngayon...

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Ayaw ko 'mang mag-isip ng hindi maganda, masama ang pakiramdam ko sa ginawang iyon ng Mama ni Ron. Imposibleng gusto niya talaga akong ipakasal sa anak niya. After what she did back then just to make me break up with his son?! I just can't make myself believe what she told Mommy was true.

The more I think about her real motives for calling, the more anxious I get. What if she only did that to make my parents come here? Paano kung parte lang ito ng plano niya upang maisakatuparan ang mga pinagbabanta niya sa'kin noon?

Hindi ako makapagsalita, masyadong nagugulat sa mga sinasabi ni Mommy.

"That manipulative witch! She even told me that she'll invest on your father's business!"

Nagpakurap-kurap ako. "R-Really, Mommy? She said that?"

"Oo! She's also planning to bring you with them in an event to introduce you in the public as a part of their family!"

Nalaglag ang panga ko. Okay, now I'm torn. Is she really planning something bad or she really wants me for Ron now?

Inis na umiling-iling si Mommy. "Ang akala naman niya papayag na akong pakasal ka sa anak niya pag ginawa niya ang mga 'yon! Mangarap siya!"

Daddy reached for Mommy's hand. "Calm down, Zia." he softly said then turned to me. "Maupo ka muna, anak. Nang mapagusapan natin ito ng maayos."

Tumango ako at sinunod ang gusto ni Daddy. Naupo ako sa upuan sa kanilang harapan.

Kinabahan ako ng sulyapan ni Mommy ang mga naka-impake kong mga gamit bago nguling tumingin sa akin. Nanliliit ang mga mata niya, tila nagtataka sa kung ano.

"Hindi ba't matagal ka nang nakipaghiwalay sa anak niya?"

Hindi ako makasagot. Gulat pa rin ako sa mga narinig at hindi ko rin alam kung paano sisimulan na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Eliron.

"Gaano ba kayo katagal 'non at mukhang nabaliw na ata sa'yo, ah? Maging magulang niya gumagawa na ng paraan para lang maikasal ka sa kaniya!"

"You never told me you have a boyfriend, Zay." singit ni Daddy.

"They broke up years ago," inunahan ako ni Mommy na sumagot.

Tumango-tango si Daddy at ngumiti sa akin. I smiled back, shyly. Nagpatuloy naman si Mommy sa pagsasalita.

"Subukan niyang puntahan ka ngayon dito, ako ang makakaharap niya!"

"Mommy..."

Since they're here, I figured I should tell them the truth. Kung ano man ang gustong mangyari ni Kuja, aalamin ko nalang iyon mamaya pag magkausap na kami.

Nagpatuloy si Mommy, hindi pinansin ang pagtawag ko. "Nagkakamali siya kung iniisip niyang papayag ako dahil lang sa mga sinabi niya! I don't like her son for you!"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Her son is a playboy! Kalat sa internet ang mga kalokohang pinaggagawa ng anak niya simula pa nang high school! He's seen making out with different girls! Bawat article, iba-iba ang kasama niya!" gulat na sinabi ni Mommy sabay baling kay Daddy.

Ethereal LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora