Chapter 14

1.4K 117 69
                                    

Chapter 14

Control

Sandali kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang pagkakatali ng aking buhok.

I've been trying out different hairstyles for a while now. Somehow, looking at myself with my hair down made me realize that it makes me look too young. There's nothing I can do when it comes to my height and facial features that are giving me a young-childlike vibe. But, I'm positive I can do something about this one.

"Don't forget to buy some meat, 'di ko nasulat 'yon sa listahan," Nicole said through the phone.

Nakaupo ako sa harap ng tukador, ang nakalapag kong cellphone ay naka loud speaker habang ako'y nag-aayos ng aking buhok. Sinisimulan ko pa lamang itarintas ang ilang hibla ng buhok sa harap ay agad ko din itinigil. What am I thinking? Mas lalo lang akong magmu-mukhang bata sa gagawin ko!

"Hello? Zay? Are you there?"

"Oo, Nic. Bibili ako ng karne..." I said lazily as I stare at myself.

"Ano bang ginagawa mo? Magsalita ka naman, para naman akong walang kinakausap dito."

My eyes drifted to my cellphone. Maybe I should ask Nic? Magaling siyang mag-ayos ng sarili. Hindi ko nga lang gusto ang mga ayos niya dahil may pagka daring at mature.

"Nicole, ano kayang hairstyle ang maganda para sa 'kin?" tanong ko.

"Huh?" aniya at natahimik, tila nag-iisip. "Magtatali ka? Ayos na ang nakalugay sa 'yo, Zay. It makes you look younger."

I groaned to her answer. "Hindi! Gusto ko 'yong hindi ako mag mumukhang bata," I explained.

"Ano? Ponytail?"

"I already tried that, gano'n din e,"

I heard her hummed as she thinks. Sandali siyang tumahimik.

"Why don't you want to look younger ba?" biglang tanong niya.

Sumimangot ako. "Ayoko lang natatawag na bata." I confessed.

"Sus! Zaylee naman, parang hindi kana nasanay, palagi namang gano'n! Sino bang tumatawag sa 'yo na bata, ha?"

Ngumuso ako. Hindi naman ako tinatawag na bata ni Eliron pero, kung ituring naman niya ako ay parang bata. Also, images of the girls that I saw he was with keeps on flashing on my mind, and it's making me feel more determined to do what I am doing right now.

"Basta!"

She laughed. "Sige, sige! Hmmm...." I heard her clapped. "Alam ko na!"

Kunot ang noo ko habang tinitignan ang sarili. My hair is now tied in a low pigtail. according to Nic this hairstyle will make me look matured. Ayaw kong maniwala no'ng una kaya lang, sa tunog ng pananalita niya ay mukhang seryoso naman siya sa kaniyang sinasabi.

"Matured ka tignan, for sure!" seryoso niyang sinabi.

"Niloloko mo lang ata ako, e. This hairstyle is for kids,"

"Hindi, ano ka ba! Kumporme sa nagdadala 'yan, Zay. Trust me!" giit niya. "What are you wearing?" natatawang tanong niya.

I looked down to what I am wearing. "White oversized t-shirt 'tsaka maong skirt. Bakit ka tumatawa?"

"Great! I can already imagine you looking so... matured!" humagikgik siya.

"Niloloko mo ko, e!"

Tumikhim siya. "No, I'm not! Trust me! I saw some model with the same get up as you right now. It's not for kid!"

Nag-aalangan man, sa huli ay nagtiwala nalang ako sa sinabi ni Nic. Hindi naman niya siguro ako niloloko. Nang makababa ako sa ground floor, agad akong sinalubong ni Cranleigh.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now