Chapter 3

1.9K 200 206
                                    

Chapter 3
 
Boyfriend
  
  
"Sasama ka?" tanong ni Nicole.

Kasalukuyan kaming naglu-lunch sa canteen kasama ang ilang mga kaklase. Nagpa-plano silang humanap ng magagandang dress para sa nalalapit naming graduation ball.

"Sumama kana!" pilit ni Bea.

"Uh, meron na kasi ako sa bahay, e. Puwede na iyon, 'di na kailangan bumili ng bago," sagot ko.

"Alin? 'Yong sinuot mo no'ng junior high pa tayo?" si Nic. "Hindi puwede 'yon! Luma na 'yon!" giit niya.

Ngumuso ako. "Maayos pa naman 'yon,"

Umiling-iling siya. "Hindi na! Gosh, Zaylee! Mahiya ka naman sa partner mo, siguradong mag e-effort 'yon!"

Napakurap kurap ako. Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Bumagsak ang balikat niya nang makita ang reaksyon ko.

"Don't tell me wala ka pang partner sa ball?"

I bit my lower lips and shook my head.

"What?!" sabay na sigaw ni Nic at Bea.

Napapikit ako at nang idilat ko ang aking mga mata, pareho nang nakahilig sa lamesa ang dalawa. Their faces are so close to mine, bahagya kong inilayo ang aking mukha.

"Bakit wala? Ang daming may gusto sa 'yo tapos wala?!" si Bea, tila gulat na gulat.

"Walang nagyayaya sa 'yo?"

Yumuko ako at umiling.

"Sus, baka choosy ka lang?" singit ni Shane.

"Hindi sa gano'n, Shane... wala talaga." I said.

"That's odd, e, halos kayo nga lang ni Nic ang pinagkakaguluhan sa batch natin e."

Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung papaano nila nasasabing marami ang nagkakagusto sa akin, gayong wala naman. Tuwing naglalakad kami sa corridor, palagi nalang silang may nakikitang may gusto daw sa 'kin. Paano ba nila nasasabing meron? Hindi ko maintindihan.

Minsan ay may tumabi sa akin habang nasa library ako. Tinanong lang naman niya kung ano ang binabasa ko pagkatapos ay hindi na nguli nagsalita hanggang sa nagpaalam na aalis. At hinala agad nila ay pinopormahan daw ako.

"Madali lang gawan ng paraan 'yan!" si Nic at luminga-linga.

Nagliwanag ang mukha niya at itinaas ang kamay para kawayan ang kung sino sa aking likuran. Lumingon ako at napakurap-kurap nang makita ang kaklase naming si Anthony.

"Anthony! Halika, dali!" tawag ni Nic sa kaklase namin.

Anthony glanced at me before saying something to our other classmates that he's with. Naglakad na siya palapit. Napalunok ako.

I turned back to Nicole and quickly shook my head, alam na kung ano ang balak gawin ng kaibigan. Palaro akong siniko ni Shane habang may nakakalokong ngisi.

"Crush ka niyan," bulong niya.

Isa itong kaklase naming si Anthony sa sinasabi nila na may gusto daw sa akin. Matagal na nilang pinang-aasar sa akin ito noong JHS pa kami. Nagsimula iyon nang bigyan niya ako ng bulaklak noong Valentines at yayaing maging partner sa prom no'ng grade 10 pa lang kami.

"Bakit?" tanong ni Anthony nang makalapit sa table namin.

Sumulyap siya sa akin bago tumingin kay Nic. Nakatayo siya sa gilid ko.

"Upo ka," si Bea sabay muwestra sa tabi ko.

I grabbed my bag from my side and placed it on my lap to give him space. Anthony smiled at me.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now