Chapter 26

1.5K 100 97
                                    

Chapter 26
  
Helpless
  
  
Natagalan ako sa paglilinis dahil sa paulit-ulit na paghinto upang pakalmahin ang sarili at pahirin ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa tuwing naaalala ang nangyari kanina.

I know he has the right to get angry at me but, there's something in the way he looked at me that makes me want to cry.

Pinagtimpla ko ulit siya ng kape pagkatapos kong gamutin ang sugat sa aking daliri. I knocked a few times before I opened the door.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya hindi na ako nangahas na sulyapan pa siya. Nakayuko lamang ako sa dala dala habang papalapit sa kaniya.

Ingat na ingat ako nang ilapag ang tray sa kaniyang lamesa, lalo na't nanginginig ang mga kamay ko. Pagkatapos kong mailapag ang kape sa lamesa, ay huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.

Nakatuko ang siko niya sa lamesa, his chin is resting on his fist while looking at the draft on his MacBook.

I let out a sigh of relief now that he's not looking at me.

"Uh... Mamaya na po ang presentation ni Arch. Agoncillio ng designs niya para sa Art Center..." I said to remind him.

I stood still waiting for his reaction or other orders for me but, there was none.

Gusto ko sanang itanong kung bakit siya pumunta ng pantry pero mukhang wala siyang planong kausapin ako kaya hindi ko na lang tinuloy.

My eyes went down to his loose necktie then to his coat, hanging on the backrest of his swivel chair.

I glanced at him to make sure that he's not looking. After confirming that he isn't, lumapit ako sa kaniya upang abutin ang coat niya at isabit iyon sa coat rack na malapit lamang sa table niya.

Natigilan ako ng bigla siyang humilig sa backrest ng kinauupuan at lumingon sa akin.

Tumaas ang kilay niya ng umatras ako. Nag-iwas ako ng tingin at naiilang man dahil sa walang emosyong titig niya, tinuloy ko pa rin ang balak na gawin sa kaisipang magiging awkward kung hindi ko itutuloy.

After successfully hanging his coat, I turned back to him. Nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin. I looked away, feeling awkward by his stare.

"Sa lahat ng pwede mong pagtrabauhan, bakit dito?"

I turned to him. His voice was serious when he asked that but his eyes are weary. Nakatitig siya sa akin, hinihintay ang sagot ko sa kaniyang nakabiting tanong.

Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kaniya, pasulyap sulyap lang. Napalunok ako dahil sa magkahalong nerbyos at takot.

If I answer his question honestly, does that mean I have to tell him everything? My hands tremble by that thought. Can I do it? Would he believe me?

Nagsimula ko nang laruin ang mga daliri ko ng hindi ko namamalayan, dahil sa sobrang kaba.

Kay daling sabihin na gusto 'kong magkabalikan kami pero ngayong narito na sa harap ko ang pagkakataong makapagpaliwanag sa kaniya, tila kay labo pala ng hinahangad ko.

Ilang taon na ang nakalipas. Malaki ang posibilidad na nakalimutan na niya ako at nagmahal na siya ng iba. He might not have a girlfriend right now but, he could be in love with someone else now.

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga nai-isip.

But if I back out now then, when will I tell him the truth? Pumikit ako ng mariin. I should grab this chance. This is the real reason why I am here afterall.

Huwag mo na munang intindihin kung paniniwalaan ka niya o hindi. Huwag mo na munang isipin kung may tiyansa pa ba na magkabalikan kayo. Focus on telling him the truth first, because after all everything he's been through, he deserves to know the truth.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now