Chapter 28

1.7K 102 65
                                    

Chapter 28

Comfort


"Kamusta? Malapit na ang uwi namin galing Amsterdam. Bibisitahin kita diyan pagbalik ko ng Pinas."

Lumapit ako sa reception sa may lobby kung nasaan ang delivery boy na may dala ang mga order ko. Tinagilid ko ang aking ulo upang ipitin ang cellphone sa gitna ng tainga at balikat ko habang tinatanggap ang mga inorder na pagkain.

"Maayos naman ako dito, Miss Ella." sabi ko kay Miss Ella na nasa kabilang linya. "Thank you." para naman sa delivery boy.

Inayos ko ang pagkakahawak sa mga pagkain bago bumalik sa elevator upang iakyat na ang mga ito. I was struggling to push the button good thing a male employee helped me. I mumbled a simple "thanks" to him. Sandali itong tumitig sa akin bago dahan dahang nagpatuloy sa paglalakad kung saan.

"Oh, are you with someone? Nasaan ka ba?" tanong ni Miss Ella.

"Nasa opisina lang Miss Ella. Bumaba lang para kunin ang lunch na inorder para kay Sir."

"Huh? That's odd. Sir. Falcutila never ate lunch in his office before." tunog nahihiwagaan siya.

Kumunot ang noo ko, sa huli'y tumawa. "He always eat in his office, Miss Ella. Except last week, kasama niyang mag lunch si Miss Glaiza." ngumuso ako ng maalala 'yon.

"Talaga? And he's even entertaining Glaiza now? Ang weird ni Sir, ha! Noong ako pa ang secretary niya, tinatambakan niya ako ng trabaho bago umalis para mag lunch! Pati pagpapaalis diyan sa Glaiza na yan sa akin niya pinapagawa, tapos..." tumigil siya sa pagrereklamo. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Kamusta naman ang pakikitungo sa'yo ni Sir? Pinapagod kaba?"

"Wala naman masyadong iniuutos si Sir." I said. "Sige, Miss Ella, dadalhin ko na itong pagkain kay Sir." paalam ko bago pumasok sa elevator.

"Sige, bibisitahin kita diyan paguwi ko at magrereklamo kay Sir!"

Natawa na lamang ako sa huli niyang sinabi bago ibinaba ang tawag. When I arrived at the right floor, inilapag ko na muna sa pantry ang pagkain ko bago pumunta sa opisina niya. A few knocks on the door then I let myself in.

Naabutan ko siyang tinatanaw ang syudad sa ibaba habang may kausap sa cellphone. Sinulyapan niya ako. I smiled and raised his food a bit to show him as I walked towards the round table near the glass wall but a little far from where he is. Isa-isa 'kong inilabas at inilapag ang mga pagkain doon para sa kaniya.

"Yes, Alex. I'll call you later."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng marinig iyon. He turned to me as he put his cellphone inside his pocket. Nakahubad ang kaniyang coat at tanging ang puting long sleeves ang suot niya sa itaas, nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at bahagyang nakababa ang kaniyang necktie.

Pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa ng magsimula na siyang lumapit sa akin. He sat on the chair in front of me, kasabay 'non ay ang pagtuwid ko ng tayo, tapos na sa pag-aayos.

His legs are crossed as he looks at the food on the table with one eyebrow shot up. Napatingin din ako sa pagkain na inihain dahil sa ginawa niyang pagtitig doon.

"Uh, may kulang po ba, Sir?" nagaalangan kong tanong.

"Where's yours?" tanong niya sabay angat ng tingin sa akin.

Nagpakurap kurap ako at napaisip. Kumunot ang noo niya. Hinilig niya ang kaniyang likod sa backrest ng kinauupuan at humalukipkip.

"I thought you're eating here?" he asked again.

Marahan akong tumango. "Opo, sa pantry..." po ako kakain. "Uh, Kunin ko lang po." nasabi ko nang tumalim ang tingin niya sa akin.

He stared at me while I walk towards the door. Isang ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng kaniyang opisina. I sighed after closing the door.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now