Chapter 39

1.6K 90 80
                                    

Chapter 39

Pregnant

I didn't get much sleep that night. My mind was thinking of a lot of things and I'm still not feeling very well. Cranleigh told me we should go to the hospital para ma-checkup ako, but I insisted not to.

The next day, I was woken up by the unpleasant feeling on my stomach and the urge to throw up. Nagmamadali akong bumangon at tumakbo patungo ng restroom. Nang maharap ang lababo agad akong nagsuka. It was so intense, I almost thought my internal organs would come out too!

Humawak ako sa magkabilang gilid ng sink at huminga ng malalim. Pinapakalma ang sarili ng sandaling huminto ang pagsusuka. Hot tears are already flowing down to my cheeks. Hindi pa man nagtatagal, bumalik na naman ang masamang pakiramdam sa aking tiyan at nguling nasuka.

"Shit!"

Nanghihina na ang mga braso. Halos sumubsob na ang mukha ko sa lababo dahil sa panghihina ng tuluyan nang humupa ang pagsusuka. Nahihilo, tinignan ko ang sariling repleksyon mula sa salamin na nasa harapan ko. Nangingilid ang luha sa mga namumugtong mata, my already pale skin looked paler now. I feel like a mess!

Ilang sandali pa akong nanatiling ganoon ang ayos bago nagsimulang gumalaw upang gawin ang pang umagang rituwal.

Pagkalabas ko ng restroom, naabutan ko ang aking kapatid na nakaupo sa gilid ng kama.

A few drops of sweat are dropping down on the side of his face to his neck as he looks down on his cellphone. His earphones are still on his ears. Halatang kakagaling lang niya sa pag jo-jogging. He took off his earphones when he noticed me. Bumaling siya sa akin ng kunot ang noo.

"You don't look good, Ate. I think you should really see a doctor." he said seriously.

Marahan akong umiling. "Masama lang ang pakiramdam ko."

He scanned me, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. I smiled to show him I'm really fine.

Bumugtong hininga siya. "If you say so," he stood up and swiftly took of his shirt from his nape. "Your breakfast is ready downstairs. Aalis ako ngayon, ikaw na muna ang bahala kanila Lola."

"Sige."

Bumaba na ako upang makakain. While eating I decided to open my cellphone. Agad itong tumunog ng isa-isang ma-receive ang mga mensahe mula kay Eliron at isang mula sa hindi registered na number. I clicked that one first.

Unknown Number:

Good day, Ms. Alquizar! This is Mr. Martinez. I would like to remind you about our appointment this coming Wednesday for your wedding gown. See you!

What should I do with this one? I-ca-cancel ko ba? Bumuga ako ng hangin at nagpasiyang huwag na lang muna itong sagutin. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng iba pang mensahe.

Eliron:

Answer the call, Zaylee. Let's talk.

Eliron:

What's bothering you? Please, tell me.

Eliron:

We're not moving our wedding. I will be there tomorrow. Mag-uusap tayo.

'Yun ang huli niyang mensahe. I sighed. How can I help him if he's being like this? Pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko at nagpatuloy sa pag kain.

Lola is busy watering the plants on the front yard, si Lolo nama'y nanonood ng T.V. Parehong nasa trabaho sila Mom at Dad kaya ako lang ang nag babantay sa kanila.

Still feeling a bit dizzy, bumalik na lamang ako sa kwarto upang magpahinga. Hindi pa man nagtatagal ang pag-idlip ko, nakaramdam na naman ako na maduduwal. First I rose up from the bed and tried to calm myself but the next time I felt it, I knew I was about to throw up so I quickly run to the restroom.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now