Chapter 15

1.5K 125 54
                                    

Chapter 15

Love
  
   
I rubbed my eye gently as I yawned. The boys are busy putting our things that we're going to bring for our vacation inside the minibus' compartment.

Madilim pa ang langit at maaaninag pa ang ilang mga bituin. Alas tres pa lamang ng madaling araw, at ngayon ang oras na napagkasunduan naming tumulak.

I'm so sleepy that my eyelids keeps on closing even though I'm standing right now. I was up all night texting with Eliron. It started when he texted me that he got home, then the conversation went on and on.

He was actually insisting me to go to sleep dahil alam niyang maaga pa ang alis namin ng mga kaibigan ko ngayon but, I just used the infamous "I'm-too-excited-I-can't-sleep" excuse to make him stop. Kahit na ang totoo'y gusto ko lang siyang makausap pa ng matagal.

Gulat akong napatayo ng tuwid nang ipatong ni Liam ang kaniyang bisig sa balikat ko. He smirked at me.

"Baka bumagsak ka nalang bigla dito," he jokingly said.

Sinimangutan ko siya at inalis ang bisig niya sa aking balikat. Tinignan ko ang kamay niya ng may makapang kung ano sa kaniyang daliri. Nawala ang antok ko ng makita ang kumikinang na singsing sa kaniyang daliri.

"Ang ganda..." I said in awe and turned to him. "I thought you don't like wearing accessories?"

Tinitigan niya rin ang singsing. "Mama said I have to wear my engagement ring every time so..." wala sa sarili niyang sinabi.

Nanlaki ang mata ko. "Engagement ring?"

"Yes. It was announced on my birthday, don't you remember?"

Nagkatinginan kami. Sinapo niya ang kaniyang noo at bahagyang tumawa. "Oh! I forgot. Inagaw ka nga pala ni Eliron no'ng birthday ko,"

Yumuko ako at ngumuso. "H-Hindi mo ba ako pagagalitan?"

"Bakit naman kita pagagalitan, Zay?"

"Nicole was furious when she first heard that I knew Eliron..."

Umirap siya. "OA lang 'yon si Nicole. Don't mind her," ngumisi siya at inakbayan ako. "Actually, I like the fact that the two of you know each other."

Kunot noo akong bumaling sa kaniya. Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin. He stretched his arms in the air.

"Makakaganti na din ako sa wakas! Kung alam ko lang, dapat matagal na kitang pinakilala sa kaniya." humagikgik siya at humarap sa 'kin. "That guy likes you,"

Nagkatitigan kami. Unti-unting nag-init ang pisngi ko. Namilog ang mga mata niya.

"Opss, sorry, hindi pa ba niya nasasabi sa 'yo?"

I looked away, nahihiya sa pinag-uusapan namin.

"N-Nasabi na..." ani ko sa maliit na boses.

Humalakhak siya. "Bilis! Nagmamadali ang mokong, ah! Kayo na?"

Mabilis akong umiling. "Hindi... pa..."

Nag-iwas ulit ako ng tingin dahil sa hiya. He hummed in amusement.

"Hindi pa? Ah, gusto din..."

He poked my cheek and laughed. Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"'Wag ka agad bibigay, ha? Pahirapan mo muna para masaya," suhestisyon niya.

He kept on teasing me about Eliron until all our friends arrived and we can finally leave. Tahimik kaming mga babae, lahat natutulog. Samantalang nagke-kuwentuhan pa ang mga lalake na magkakatabing nakaupo sa pinaka likod ng mini bus. Natahimik lang sila nang nagalit na si Nicole sa ingay nila.

Ethereal LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant